PATAY ang apat miyembro ng notoryus na Amir Manda drug group makaraan maka-enkwentro ang mga pulis sa Brgy. Poblacion, Sta. Maria, Bulacan kahapon ng umaga.
Nabatid na isisilbi sana ang arrest warrant laban sa lider ng grupong si Amir Manda at kanyang tatlong kasamahan ngunit lumaban kaya napatay ng mga awtoridad.
Idinadawit ang grupo ni Manda sa talamak na bentahan ng ilegal na droga gayondin sa pagpatay sa dalawang pulis at isang piskal sa magkakahiwalay na insidente sa San Jose del Monte City at iba pang bayan sa Bulacan.
Iniimbestigahan ng Scene Of the Crime Operatives (SOCO) ang naganap na enkwentro.
(MICKA BAUTISTA)