Sunday , December 22 2024

US, PH nag-uusap sa bagong security deal

HABANG mainit ang umiiral na tensiyon sa West Philippine Sea, nagsimula nang mag-usap ang Filipinas at Estados Unidos para sa seguridad sa pinag-aagawang teritoryo.

Habang nasa Honolulu, Hawaii, sinabi ni Defense Sec. Voltaire Gazmin, pinag-uusapan ngayon ng dalawang bansa ang General Security of Military Information Agreement (GSOMIA).

Ang binabalangkas na kasunduan ay naglalayong lalo pang paigtingin ang daloy ng komunikasyon sa pagitan ng Manila at Washington, D.C., at sinasabing kabilang na rito ang palitan ng intelligence informations.

Nabatid na nagkaroon ng one-on-one meeting si Gazmin sa counterpart niyang si US Defense Secretary Ashton Carter makaraan ang change-of-command ceremonies sa US Pacific Command.

Una nang sinabi ng Estados Unidos na nais nito ang seguridad sa rehiyon at katunayan muling binanggit ni Carter ang “ironclad commitment” ni US President Barack Obama para idepensa ang Filipinas.

Nagkasundo ang dalawang opisyal na lahat ng partido na sangkot sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea ay magkaisa at isulong ang peaceful resolution.

Nananawagan sila sa agarang pagsuspinde sa reclamation activities ng China at itigil ang ginagawang militarization sa lugar.

Target ng dalawang mataas na opisyal na magsagawa ng “2-plus-2 meeting” sa lalong madaling panahon para talakayin ang ‘regional security issues of mutual interest,’ kabilang ang isyu sa West Philippine Sea.

Kinompirma ni Carter na magpapatuloy ang gagawing paglalakbay at paglipad ng US sa mga international route.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *