LALONG tumatagal ay lalong nagiging kahabag-habag ang sitwasyon ng mga pasahero ng MRT at LRT. Ito ay sa kabila nang pagpataw ng dagdag-singil sa pasahe magkakalahating taon na ang nakararaan.
Hanggang ngayon ay wala pa rin naki-kita at nadaramang pagbabago ang mga pasaherong araw-araw na lang ay na-kikipagbalyahan, pumipila nang mahigit kalahating oras para lang makasakay sa sobrang bagal na takbo ng mga tren ng MRT at LRT.
Pasakit na nga sa bulsa ang mahal na pasahe, araw-araw pa ang mala-peni-tensiyang pagsakay rito.
Ngunit hanggang ngayon ay nanati-ling tengang-kawali pa rin ang gobyerno, higit sa lahat ang departamento na sumasakop sa MRT at LRT na pinamumunuan ni Transportation Secretary Emilio Joseph Abaya.
Puro paliwanag at paghingi ng pasensiya ang kayang gawin ng gobyerno. Pero anong saysay nang paghingi ng pang-unawa kung wala namang nakikitang konkretong solusyon sa araw-araw na problemang kinakaharap ng mga MRT at LRT commuters.
At sa halip na solusyonan ang problema sa bagon, riles, at iba pang problemang teknikal para sa pagpapatakbo ng tren, nakapagtatakang inuna pa nito ang pagbili ng turnstile o gate na dinaraanan ng mga pasahero.
Ilang buwan na lang ang natitira sa administrasyon ni Pangulong Aquino, hihintayin pa ba itong tapusin ni Abaya? O baka naman dapat na siyang kaagad magbitiw sa kanyang pwesto.