PINOPROTEKTAHAN umano ng damuhong rebeldeng grupo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang mga kidnaper, ayon sa ina ng isang estudyanteng dinukot sa Cubao, Quezon City may dalawang taon na ang nakalilipas.
Sa isang ulat ay ibinunyag ni Norhata Dimakuta na kinidnap daw ang kanyang anak na si Muhamad, isang B.S. Architecture student, sa kanto ng P. Tuazon at Cubao noong Hunyo 28, 2013 dahil napagkamalan itong anak ng mayamang negosyante.
Naglabas na ng arrest warrant ang Quezon City RTC Branch 105 laban sa mga suspek na sina Jalud Macaraya at Ahmad Angad Jr., matapos matukoy ang mga ito makalipas ang dalawang taon. Ang problema ay hindi raw sila maaresto dahil protektado ang dalawa ng MILF.
Kapatid umano ng suspek na si Macaraya ang isang “James Macaraya” na miyembro ng ad hoc joint action group at close-in security ng isang commander ng MILF.
Nananawagan si Norhata kay Pres. Noynoy Aquino na tumulong upang mabawi niya ang kanyang anak na si Muhamad, at makuha ang mga suspek mula sa puwersa ng MILF upang mapanagot sila sa batas.
Masakit din sa kalooban ng pamilya ng biktima ang naging reaksyon umano ng mga opisyal ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP). Nang humingi kasi sila ng tulong, lumiham ang OPAPP sa kanila at ang nais daw ay pag-ayusin ang kaso ng pagdukot sa biktima sa ilalim ng International Shari’a Court.
Tinukoy nina Norhata na criminal case ang kinakaharap ng suspek sa loob ng Pilipinas kaya hindi ito saklaw ng international court na sinasabi ng Opapp.
Iniutos na raw ni Justice Sec. Leila de Lima na muling imbestigahan ang kaso ng pagkidnap kay Muhamad pero wala pa rin itong resulta. Ang pakiusap ng pamilya Dimakuta sa Pangulo at sa ibang opisyal ng pamahalaan ay mabigyan sana ng pansin ang kanilang panawagan.
Dalawang taon na ang nakalilipas mula nang dukutin ang anak ni Norhata. Tulad ng lahat ng ina, araw at gabi ay hindi siya pinatatahimik ng pag-aalala kung ano na ang maaaring nangyari o sinapit ni Muhamad dahil hindi pa rin ito matagpuan hanggang ngayon.
Dapat lang gampanan ng gobyerno ang tungkulin na protektahan ang mga mamamayan at ipaglaban ang kanilang karapatan. Hustisya ang hanap ng mga Dimakuta laban sa mga kriminal.
Kung totoong ikinakanlong ng MILF ang mga kidnaper ay sama-sama silang panagutin sa batas.
Hindi maunawaan ng marami ang pagbubulag-bulagan ng mga opisyal ng gobyerno sa mga kagaguhan ng MILF. Kahit na ano pang gawing kawalanghiyaan ng mga hinayupak, kahit minasaker pa nila ang 44 Special Action Force (SAF) commandos noong Enero 25, ay kaya nilang lunukin matuloy lang ang Bangsamoro Basic Law (BBL). Matutuwa pa ang mga mamamayan, mga mare at pare ko, kung pagbabayarin ang MILF sa lahat ng kahayupan nila.
Tandaan!
TEXT 0946-8012233 para sa inyong mga sumbong, puna at reklamo.