Friday , November 15 2024

Ika-2 anibersaryo ng K-12 sinabayan ng protesta

SINALUBONG ng kilos protesta ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang national summit ng Department of Education (DepEd) sa Pasay kaugnay ng ikalawang anibersaryo ng K-12 Law. 

Bitbit ang kanilang mga karatula, nagprograma ang grupo sa harap ng anti-riot police na maagang pumuwesto sa gate ng Philippine International Convention Center (PICC).

Giit ni ACT national chairperson Benjamin Valbuena, imbes  gastusan ng pamalaan ang nasabing summit, mas makabubuti sana kung ginamit na lang ang pondo para tugunan ang mga kakulangan sa sektor ng edukasyon.

Binatikos din ng grupo ang anila’y kakapusan ng budget para sa training ng mga guro. 

Halimbawa anila rito ang pagsasanay sa Talisay City, Cebu noong Mayo 10 na ikinamatay ng isang guro. 

Isinisi ng ACT ang pagkamatay ng grade 10 math teacher na si Marlene Mancau sa hindi maayos na bentilasyon sa venue ng training na nilahukan niya. 

Sinasabing nag-collapse dahil sa atake sa puso ang 52-anyos na si Mancau makaraan ang kanyang presentation at binawian ng buhay sa ospital. 

Tatlong kasamahan din niya ang naospital habang dalawang iba ang nananatili sa intensive care unit (ICU). 

Nanawagan ang ACT kay DepEd Secretary Armin Luistro na sagutin ang lahat ng gastusin sa ospital ng mga nasabing guro.

Tinapos ng party-list ang kanilang programa bago pa magdatingan ang mas maraming delegado sa pagtitipon sa PICC. 

Isang hiwalay na protesta ang ikinasa rin ng iba’t ibang grupo sa Supreme Court kasabay ng summit para ihirit ang pagbabasura sa K-12 program. 

Kritiko ng k-12 inismol ni PNoy

MINALIIT at kinantiyawan ni Pangulong Benigno Aquino III ang mga kritiko sa K to 12 program ng Department of Education (DepEd).

Sa kabila aniya ng mga batikos at petisyong inihain sa Korte Suprema laban sa implementasyon ng K to 12 program ay nakahanda ang bansa na ipatupad ito.

“Mayroon daw ho yatang mga tumututol sa K to 12 na nag-rally kanina. Higit-kumulang raw ho, dalawampu  sila  pero  iyong banner ho raw nila (ay) tiglilima. Kaya gusto kong makita ‘yung mga diyaryo bukas, baka papakitaan tayo ng napakaraming tutol na bandera sa K to 12. ‘Yung tao ho, baka magreklamo ng unfair labor practice dahil limang bandera ang pinatangan sa kanya,” pahayag ng Pangulo sa paglulunsad ng K to 12 sa Philippine International Convention Center (PICC) kahapon.

Binigyang-diin pa niya na pagdating ng panahon na nagtagumpay ang K to 12 ay kukunin pa ng mga kritiko ang kredito dahil ang tingin sa kanilang mga sarili ay sila lang ang magaling at anak ng Diyos.

“Pagdating ng panahon, lahat ng mga tumututol, ‘pag nakita na ‘yung tagumpay, sasabihing kung hindi sa batikos nila (ay) hindi ko napaganda ang K to 12. Minsan ho talaga ang mga kritiko natin, sila lang talaga ang anak ng Diyos; sila lang ang magaling. Kaya bahala na ang Diyos sa kanila,” aniya.

Inihain kamakalawa ng National Union of Progressive Lawyers at ng Suspend K12 Coalition ang pangatlong petisyon sa Korte Suprema na ipinatitigil ang implementasyon ng K to 12.

Nauna nang naghain ng kahalintulad na petisyon sa Supreme Court sina Senator Antonio Trillanes at Magdalo party-list group.

Naniniwala ang Pa-ngulo na ang pinakamabilis na daan tungo sa kaunlaran ay sa pamamagitan ng edukasyon at sa K to 12, mabibigyan ang mga kabataan ng sapat na panahon upang linangin ang karunungan.

Sa mga propesor sa kolehiyo na mawawalan ng trabaho sa dalawang taon na transition period, maaari aniya silang magturo sa senior high school, lalo na’t kailangan ng 30,000 dagdag na guro.

Puwede rin aniyang kumuha ng masters at doctoral degree ang mga nagtuturo sa state colleges at universities.

“Mga Boss: Hindi na natin sasayangin ang ginintuang pagkakataong ito. Kayang-kaya nating isulong ang sinimulan nating K to 12 program; sama-sama nating iangat ang antas ng edukasyon sa Filipinas. Sa ganoong paraan, maging totoo tayo ‘pag sinabi nating inaaruga natin ang susunod na salinlahi,” sabi pa niya.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *