Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mark, specialty ang adobong talong (Mark at Shaira, may special friendship na relasyon)

 

ni Alex Datu

051815 Mark Neumann Shaira Mae

MASAYANG ibinida ni Mark Neumann na natuto siyang magluto nang ipinagkatiwala ang pinakabagong teledrama ng TV5, ang Pinoy adaption ng Koreanovelang Baker King.

Aniya, talagang pinag-aral sila ng pagluluto ng iba’t ibang putahe bago magsimula ang taping para maging kapani-paniwala ang kanilang pagganap bilang panadero.

Bago man nagsimula ang lahat, inamin ng aktor na may alam na siyang luto, ”Pero bago po, rati na akong marunong magluto ng adobong talong. Recipe po ito ng lola ko, masarap po siyang magluto.”

Sa ngayon, marunong na siyang magluto ng sinigang, pasta, casserole, spaghetti.”Nag-e-enjoy ako sa pagluluto pero ngayon hinto muna ako sa pag-aaral dahil busy na ako sa taping ng ‘Baker King’,” medyo panghihinayang na wika ng binata.

Masasabi nating Lady Luck is on Mark’s side dahil ipinagkatiwala sa kanya ang teledrama pero ang balita, ito ang naging ugat ng pagkakaroon nila ni Vin Abrenicang hindi pagkakaunawaan. Sa presscon ng Baker King ay nasabi nitong nananatili pa rin ang pagkakaibigan nila.

Aniya, ” Hindi po, sa amin wala naman po. Nag-usap na kami and Vin was already interviewed. Hindi naman po sa siya nagalit sa akin. Actually, niyakap niya ako at talagang sincere siya nang nagkita kami.”

Naganap ang paghaharap nila ni Vin sa isang unexpected place at siya pa ang nilapitan ng actor. ”Nang lumapit siya, sinabi niya, ‘congrats bro’, love you man. At last natupad ‘yung dream mo pare’,” pahayag nito.

Inamin din ni Mark na walang professional jealousy sa kanilang dalawa ni Vin at kuha na nito ang pag-uugali ng aktor sa loob ng tatlong taong pagkakaibigan nila. ”I looked up on him noon sa ‘Artista Academy’ kasi magaling siya. Feeling ko talaga siya ang mananalo and he won,” pagbabalik-tanaw nito.

Mark at Shaira, may special friendship na relasyon

Natanong din si Mark tungkol sa sweetness nila ni Shaira Mae, ang leading lady niya sa Baker King. Inamin nitong pinakamalapit sa kanya si Shaira Mae. May ilang show na rin kasi pinagsamahan kaya hindi nakapagtataka na mahulog ang damdamin nila sa isa’t isa.

Aniya, ”Masaya ako kapag kasama ko siya. Komportable ako basta may something, something. We have a special friendship relationship. Alam mo basta, I need someone to talk to like problems, I can tell it to her and she can tell me also her problems.”

Natanong din kung darating ba ang kanilang sweetness sa pagiging mag-on kahit alam ng lahat na taken na ang kanyang leading lady. ”Mayroon na siya eh,” agad nitong sambit. ”Pero kung mag-break sila, why not!” walang kagatol-gatol nitong tsika.

Napapanood na ang Baker King mula Lunes-Biyernes, 9:30 p.m. sa TV5.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …