INILINAW ni Bureau of Customs Intelligence chief, Col. Joel C. Pinawin ang kontrobersiyang bumalot sa entrapment operation na isinagawa sa loob ng Central Mail Exchange Center (CMEC) ng NAIA Collection District III.
Noong Hulyo 8, 2014, pinangasiwaan ng NAIA Customs Office sa ilalim ni OIC-Intelligence and Investigation Service Joel Pinawin, ang entrapment operation kasama si Customs Examiner Lilibeth Macarambom.
Gayonman, sinabi ni Pinawin na nagkamali ang media sa pag-ulat na kinikilan ni Macarambon ang isang nagngangalang Jennifer Reyes.
Sa isinagawang masusing imbestigasyon, nabatid na hindi nangikil si Macarambon sa nasabing insidente.