Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dindi, gustong bumalik sa showbiz

 

ni Roland Lerum

052915 Dindi Gallardo

MARUNONG pumili ng mapapangasawa si Diana Zubiri. Bukod sa guwapo na, may pera pa ang napili niya. Si Andy Smith ay isang Fil-Australian at negosyante pa. Mukhang sa Australia sila maninirahan at gusto mang ipagpatuloy ni Diana ang pag-aartista, mapuputol itong tiyak.

Ikinasal si Diana kay Andy kamakailan sa Sampaguita Gardens, isang civil wedding. Kinuha niyang isa sa ninong ng kasal ang manager niyang si Jojo Gabinete. Pero hindi niya ito isasama sa Australia.

Isa sa kinumbida ni Diana sa kasal ay ang kaibigan at dating beauty queen-actress na si Dindi Gallardo. Parang hindi tumanda si Dindi. Maganda pa rin at alaga ang katawan. Gusto raw niyang mag-comeback at kahit mother role ay okey lang. Foreigner din ang napangasawa niya, si Eric Scott Mills, pero wala pa silang anak hanggang ngayon kaya siguro bored at gustong mag-artistang muli. Gusto raw niyang makatrabahong muli si Gabby Concepcion. Eh, si Gabby naman kaya, gusto siyang makatrabaho?

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …