Thursday , December 26 2024

Boses ng netizens sa desisyon ng SC sa DQ ni Singson

00 Kalampag percyTUNGHAYAN po natin ang ilang reaksiyon mula sa masusugid na readers ng pitak na ito at avid listeners ng ma-laganap nating programang “Katapat” sa Radio DWBL (1242 Khz) na sabayang napapanood sa buong mundo via ustream.tv/channel/boses sa internet, 10:30 pm-11:30 pm, Lunes hanggang Biyernes, kaugnay ng desisyon ng Supreme Court (SC) sa disqualification (DQ) case laban kay Ilocos Sur Rep. Ronald Singson.

Si Singson ay nabilanggo matapos umamin sa salang pagbitbit at pagpapasok ng ilegal na droga (Cocaine) sa Hong Kong, ilang taon ang nakararaan.      

Sa ibinabang desisyon kamakailan, sinabi ng SC: Mere possession of a prohibited drug cannot be considered immoral by itself if it were not prohibited by law, much like illegal possession of a deadly weapon and incidental participation in illegal recruitment,” 

Ibig sabihin, kinilala ng SC ang karapatan ni Singson na makatakbo at binalewala ang Republic Act 7160 o The Local Government Code Section 40 na nagsasabing diskuwalipikado na kumandidato sa local elections ang “(a) Those sentenced by final judgment for an offense involving moral turpitude or for an offense punishable by one (1) year or more of imprisonment”. 

MICHELLE RAMIREZ: “Naaamoy ko na naman ang SC (SUHOL COURT). Sino pa ba dapat kumastigo sa SC? Nakakasuka na! Nababaluktot nila batas kung gusto nila. Wala ba silang pana-nagutan? ABOLISH SUPREME COURT! A corrupt institution. No MORAL STANDING na! I lost my respect to this body. Someone should question its decision making. They alerady forgotten the basics of law and resorted to disrortion of interpreting corruption and immorality. Insanely brilliant in favoring offenders.”

***

ANNIE UZZURAGA: “Wala nang naniniwala sa SC.”

***

ROMEO FRESCO: “Wala na po talaga ang rule of law sa ating bansa. Basta may pera na kapalit, anumang bigat ng kasalanan ay napapagtakpan.”

***

CRISTY BOHOL: “Pera-pera lagi ang katumbas ng batas.”

***

DANTE MADERAZO: “Sa Pilipinas, ang tuwid binabaluktot at ang baluktot ay tinutuwid. Onli in da Pilipins!”

***

BEN CORA BAUTISTA: “Hindi rin kaya immoral sa mga mahihirap na magtago ng isang sakong bawal na droga basta hindi gagamitin. Hustisya nga din naman…” Ibig sabihin, ibulsa mo lang, just for keeping. Nakakasuka na ito!”

***

BOYET GUTIERREZ: “Sino pa ba mas mataas sa SC? Dapat imbestigahan ‘to!”

***

RON OLIVARES: “From bigtime pusher, na-ging user at nagkataong may dala lang daw…tsk tsk tsk! Matibay ang konek ni sabit from Manila to Hong Kong, naareglo.”

***

SHIRLEY ABUEL: “Kapag mayaman ang involve, hobby at hindi immoral. Kapag mahirap ang involve, immoral. Addict, pusher, lahat ng masama ikakaso. Haaay! What now Philippines if this is the kind of justice system that we have? Caters and favors the rich.”

***

YUKO TAKEI (Tokyo): “ Tawag diyan, Percy, tarantadong SC!”

***

JO AQUILLER: “May bago pa ba? Dati nang maraming hoodlums in robe.”

Duterte-Lim sa 2016 base sa track record

LOURDES SIGUA:  ”Sana si Mayor Alfredo Lim ang kumandidato sa pagka-pangulo ng Pilipinas. He respects and implements rule of law, no corruption, did not avail of the pork barrel, wisely made use of public funds that benefited the public. Wala rin s’ya kamag-anak na pulitiko, siya na sana…o, ‘di ba?” 

***

ELMER ECLEO: “Okey si Mayor Alfredo Lim ka-tiket ni Mayor Rodrigo Duterte, tapos power sharing sila at mag-declare sila ng Revolutionary Government. Tapos tanggalin na nila ang Congress at Senado.”

Bagsak ang moralidad ng pinoy sa pagboto

LLOYD CONCEPCION (U.S.A.) – “Sa tinagal-tagal ng panahon ang mga mamamayan sa Pilipinas ay totoong ibinababa ang tunay na integridad sa pagboto at pagpili na tunay na mamumuno ng sambayang Pilipino. Bilang isang Pinoy rito sa ibang bansa, nananatili pa rin sa akin ang paghahangad ng kapayapaan para sa lahat ng Pilipino. Tunay ‘di mo maaaring ikatuwa o isangtabi ang mga nangyayari sa ating bansa. Masasabi ko po na kahit ‘di ako apektado sa mga nangyayari sa Pilipinas bilang isang tunay na Pilipino, namamayani pa rin sa akin ang pagiging makabayan. Aking idinadalangin na nawa’y dumating ang panahon na makamit ng lahat ng Pilipino ang tunay na Kapayapaan at Kaginhawahan sa buhay. Napakalaki ng tulong ng inyong programa, Ka Percy, dahil kahit na kayo na lamang ang bumabalikat sa pagsugpo sa taliwas na pagbabalita. Kayo pa rin ang ‘Sandigan ng tunay na Pamamahayag sa Pilipinas’. More power lagi sa inyong malawak na programa sa ‘Pinas. Mamalagi sana na lagi kayong nasa mabubuting kalagayan, sampu ng inyong buong sambahayan.”

Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *