Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Andrea Torres, mapangahas at palaban!

ni Roldan Castro

052915 Andrea Torres

TULUYANG sumuko si Marian Rivera sa laban para sa FHM 100 Sexiest Women dahil sa kanyang kalagayan. Bagamat pumapalo pa rin ang boto niya sa online poll ay nagpahayag ang GMA Primetime Queen na ‘wag muna gaya ng desisyon din ng Triple A (nagma-manage sa kanya).

Ine-endorse na lang niya ang kanyang kapatid sa Triple A na si Andrea Torres. Ito ang napipisil niyang puwedeng humalili sa kanyang titulo pagdating sa kaseksihan. Nagustustuhan daw niya ang cover ni Andrea sa nasabing men’s mag. Mapangahas at super sexy.

”Ayun! Yun (Andrea) na lang iboto nila. Kapatid ko ‘yun, eh,” sey niya.

”Mahiya naman ako sa asawa ko. Buntis pa ako. So, huwag na muna,” deklara pa niya na pinanindigan na pass muna siya sa FHM.

Nilinaw din ni Yan ang isyu na hindi siya friendly sa nakaraang pictorial niya sa FHM. Hindi raw ito makausap dahil nagco-concentrate sa kanyang second cover shoot.

Sobrang kinabahan daw kasi si Marian sa concept ng pictorial na mas daring kompara rati.

”Parang sa sarili ko, sa bawat aksiyon na gagawin ko, at sa bawat pagpo-pose ko, gusto ko maging presentable pa rin kahit sexy siya. So, naka-focus talaga ako roon,” bulalas pa niya sa presscon ng PEP lists Year 2.

Anyway, wagi si Marian at ang mister niyang si Dingdong Dantes bilang Newsmaker of the Year sa PEP List. Ang awards night ay magaganap sa June 18, Thursday, at the Grand Ballroom of Solaire Resort and Casino.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …