ni Peter Ledesma
LAST April 8 ay isinelebreyt ni Aleng Maliit Ryzza ang pangalawang anibersaryo ng kanyang morning talk show sa GMA na produced ng Tape Incorporate na “The Ryzza Mae Show.”
Malalaking celebrity ang mga naging panauhin ni Ryzza at lahat ay binati si Aleng Maliit at nag-wish ng good luck sa kanya. Siyempre very happy ang young talk show host, at hanggang ngayon ay buhay pa rin ang kanyang programa at hindi ito pinagsasawaan ng mga Dabarkads.
Kami man ay avid viewer ng nasabing palabas at never rin kaming naumay kay Ryzza na sa murang gulang ay pinatunayang kaya nang magdala ng sariling show. Yes hindi lang ang mga manonood ang naaaliw sa sobrang energetic ng alaga ni Ma’am Malou Choa-Fagar, maging ang mga bisita niyang artista, singer, mga personahe sa TV ay natutuwa sa kanya at napapahanga. Very jolly ang dating niya sa mga interview niya sa kanyang guest at ang isa pang aliw factor ay nakikipag-aktingan, kantahan at sayawan talaga siya.
May pakontes pa araw-araw si Aleng Maliiit ang “Picture o Tanong?” Mamimili ang kahalok kung ano ang kanyang sasalihan at may katapat itong premyong 3K at gift pack mula sa mga sponsor ni Ryzza at may foreigner na sumasali sa segment na ito.
Samantala narinig namin kamakailan lang na kinukuha raw ng Tape Inc., si Ai-Ai delas Alas para isama sa show ni Ryzza Mae. Aba! Magandang idea ito at siguradong mas magiging riot ang The Ryzza Mae Show with Ms. Ai presence.
Saka bagay ang Comedy Queen at si Aleng Maliit dahil pareho nga silang mga kalog. Napapanood ang ang TRMS daily bago mag-Eat Bulaga.
Evolve na evolve gyud!
INDAY BOTE MAMAMAALAM NA NGAYONG GABI SA ABS-CBN PRIMETIME BIDA
Wala na talagang makapipigil saa pagbangon ng character ni Inday, sa Inday Bote na ginagampanan ng Kapamilya TV host-actress comedienne na si Alex Gonzaga sa ending na hindi puwedeng ismolin sa top-ra-ting na primetime fantaserye ng ABS-CBN ngayong gabi (Mayo 29) kaya abangan ninyo ito.
Sa pagbubunyag ng tunay niyang pagkatao, gagawin ni Inday ang lahat para iwasto ang lahat ng mga pagkakamali na ginawa ni Fiona (Aiko Melendez) sa pamilya niya. Paano nga ba maa-ayos ni Inday ang lahat ng kaguluhan sa pamilya Vargas ngayong malalaman na ng lahat na siya ang nawawalang si Kristal? Mapipigilan pa ba niya ang kasamaan ni Fiona sa tulong ng mga duwendeng matagal nang nagpoprotekta sa kanya? Sa huli, may kailangan nga bang magsakri-pisyo ng buhay para sa katahimikan at kapayapaan ng Lahat?
Ang Inday Bote, ay mula sa direksyon nina Manny Palo at Jon Villarin na kinatatampukan rin nina Matteo Guidicelli, Kean Cipriano, Alicia Alonzo, Smokey Manaloto, Nikki Valdez, Malou Crisologo, Jeffrey Santos, Nanding Josef, Alora Sasam, Biboy Ramirez, Izzy Canillo at Alonzo Muhlach.
Huwag palampasin ang finale episode ng inyong minahal na fantaserye mula sa Dreamscape Entertainment, mamaya na ‘yan bago mag-TV Patrol.