Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 indie actor, finalist sa BNaked: The Elite Super Model Quest

 

ni Roldan Castro

052615 b naked

NAGULAT ang movie press at TV crew sa press presentation ng BNAKED: The Elite Super Model Quest dahil official candidate ang lead actor ng I Luv Dreamguyz na si Jay -L Dizon na idinirehe ni Joel Lamangan.

“First time kong sumali ng ganito at gusto ko namang ma-experience,” bulalas ni Jay-L.

Makakalaban din niya ang isa pang indie actor na si Miko Laurel at ang mga titlelero sa bikini open. Makikipagsabayan daw siya sa pagiging wild ng mga candidate at na paninindigan ang titulong BNAKED.

Hindi lang ang malaking premyo ang inaasam niya kaya sumali siya sa BNAKED kundi nakikiisa siya sa objective na dapat laging fit at healthy.

Dito pumapasok ‘yung health conscious ng BNAKED na Be Fit, Be Sexy, Be Free, Be Wealthy, Be Famous..B Naked the truth of being healthy inside and out.

Gustong iangat ng CCA Entertainment Productions Corporation ang antas ng bikini open sa ‘Pinas kaya kakaiba ang mapapanood sa June 20 sa BNAKED:The Elite Super Model Quest sa Music Museum, Greenhills. Ito’y isang bikini-pageantry-fashion show na ang premyo ay umaabot ng kalahating milyon.

Supposed to be ay last May 27 ang BNAKED pero dahil ayaw ng CCA Entertainment Productions na maging half baked ang ganitong sexy show , ginawang June 20 na sa Music Museum.

Wala nang urungan ang BNaked na special guests sina Michael Pangilinan at Boobsie Wonderland. Hosted by Carlos Agassi at Ali Forbes (2012 Bb. Pilipinas 1st runner up at host ng Pinay Beauty Queen Academy ng GMA News TV). Directed by Mak De Leon.

Para sa tiket puwedeng tumawag sa 09053595091, Ticketword 8919999, Music Museum 7210365 .

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …