Thursday , December 26 2024

Para kay dating DILG secretary Raffy Alunan, sinalaula ng BBL ang ating Konstitusyon

00 Abot Sipat ArielNITONG Linggo (Mayo 24), pinangunahan ni dating Department of Interior and Local Government Secretary Rafael “Raffy” Alunan III ang prayer rally laban sa kontrobersiyal na BangsaMoro Basic Law na itinutulak ng pamahalaang Aquino.

Para kay Alunan, kawawa ang mga ordinaryong sibilyan sa Mindanao. Ang daming banta na nanggagaling sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) at sa mga sektor na inetsapuwera o hindi pinansin ng peace process, kagaya ng Moro National Liberation Front (MNLF) at  ang mga galit na Lumad na mas nauna pa sa Mindanao kaysa mga Muslim.

Numero unong kontra sa BBL si Alunan kaya buong-buo kong ibabahagi ang pahayag na binigkas niya sa prayer rally sa Luneta na nilahukan ng iba’t ibang sektor:

“Milyon-milyong Pilipino ang sumasalungat sa kontrobersiyal na Bangsamoro Basic Law (BBL) dahil nilalabag nito ang pagtitiwala ng publiko, gayundin ang pagsalaula sa Saligang Batas, minamaliit ang soberaniyang pambansa at inilalagay ang kaligtasan ng publiko at seguridad sa balag ng alanganin.

“Nakikita na magdudulot ng higit pang kaguluhan ang BBL base na rin sa saloobin ng mamamayang Muslim sa Mindanao na tunay na Pilipino gayundin ang mga Lumad at Kristiyano na hindi mga miyembro ng Moro National Liberation Front (MILF), na nagsosolong benepisyaryo ng kuwestiyonableng prosesong pangkapayapaan.

“Ikalulugmok ng bansa ang BBL. Magbubunga ito ng higit pang kaguluhan at dadanak ang dugo dahil hindi maayos ang pangangasiwa sa prosesong pangkapayapaan. Kagaya rin ito ng Memorandum of Agreement on Ancestral Domains (MOA-AD) na nagkulang sa mahahalagang konsultasyon, katapatan na posible rin maging sanhi ng pakikipaghiwalay at pagsasarili ng isang rehiyon. Mapapahamak ang bansa kahit saan ito bumaling kahit na maisabatas na o tanggihan ang BBL.

“Inaasam ng bawat Pilipino ang pangmatagalang kapayapaan ngunit hindi sa isang pamamaraang binalewala ang mga kamalian na maaaring ikabasag ng lipunan, pagkakahiwalay ng bansa at higit pang pagdanak ng dugo. Hindi na rin makatarungan kung mapapabilang ang sambayanan hinggil sa isyung ito. Nararapat lamang na higit pang kontrahin at ibasura ang Comprehensive Agreement on BangsaMoro and the BangsaMoro Basic Law (CAB-BBL), base na rin sa orihinal na isinumite sa Kongreso.

“Karapat-dapat lamang na mapanatili ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM); napatnubayan na at napagbago ang mamamayan nito hinggil sa nakasanayang maka-feudalismo, kanya-kanyang angkan at kultura ng paghihiganti na nagbunga ng hindi makatarungang panlipunan at enkuwentrong putukan. Nagdulot din ito ng pagkakalayo sa socio-economic status ng rehiyon, kahirapan at suliraning politikal. Dapat na magsilbing gabay at direktiba ang matigas na pagpapatupad ng batas, edukasyon at matatag na pamumuhunan upang magdulot ng pangmatagalang pagbabago.

“Hinihimok namin ang mga kinatawan ng mamamayan na tuparin ang kanilang tungkulin, gawin ang nararapat para sa higit na ikabubuti ng sambayanang Pilipino gayundin ang kinabukasan ng bansa. Hindi ipinagbibili ang Pilipinas. Ito ang ating tahanan; ito rin ang sagradong balwarte ng mga nakaraan, kasalukuyan at hinaharap pang henerasyon ng Pilipino. Hindi ito nararapat na maliitin para sa maling paniniwala o pansariling interes lamang.  Dapat tayong manatiling iisang bansa, iisang Konstitusyon, iisang watawat sa ilalim ng iisang Diyos.

“Pangkalahatang responsibilidad at alalahanin ang kapayapaan. Dapat na isaloob at paghirapan ng lahat ng sektor na naninirahan sa mga lugar na nilulukuban ng kaguluhan ang mahalagang aspekto ng kapayapaan; pinasisigla ito ng paglahok, pagkonsulta at tapat na proseso. Dapat magsikap ang lipunan at pamahalaan na maiseguro ang kinabukasan ng bansa para sa kasalukuyan at paparating pang henerasyon.

“Isinisigaw ng ating mga mamamayan na maghatag ang gobyerno ng resulta, mapanatili ang interes ng bansa, mapalawak ang pangkalahatang kabutihan at mapagtibay ang karangalang pambansa.

Kinakailangan natin ng isang pamahalaan na ginagawa at ipinatutupad ang mga tamang bagay. Itanim natin ang mga bagay na ito sa ating kamalayan sa darating na 2016 at sa susunod pang mga taon.

“Mabuhay ang Pilipino! Mabuhay ang Pilipinas!”

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *