Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pangako Sa ‘Yo, inabangan ni Kristine!

052815 Kathryn Bernardo kristine hermosa

00 fact sheet reggee“Hi Kath! Congrats. Galingan niyo.

Magpakabait ka and be wise. Okay?” ito ang mensahe ni Kristine Hermosa na orihinal na Yna Macaspac sa seryeng Pangako Sa ‘Yo na umere taong 2000.

Halatang inabangan din ito ni Kristine para mapanood ang bersiyon nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo at marahil para gunitain din ang sarili ng mga panahong ginawa nila ni Jericho Rosales ang nasabing serye.

Ano kaya ang ibig sabihin ng sinabi ni Tin na, “magpakabait ka and be wise?” Hmm, parang may alam ako Ateng Maricris, ha, ha ha.

Samantala, inabangan talaga ng mga tagasubaybay ng Pangako Sa ‘Yo ang unang episode nito noong Lunes maging ang TFC subscribers na kakilala namin ay hinintay din ito at tanong nga ng tanong sa amin ang kakilala namin sa ibang bansa kung anong nangyari, tapos biglang sasabihing, “ay ‘wag mo ng ikuwento para may surprise.”

Back story muna nina Ian Veneracion bilang si Eduardo Buenavista at Jodie Sta. Maria bilang si Amor Powers ang ipinakita kung paano mabubuo ang kanilang pagmamahalan.

Tuwang-tuwa kami sa eksenang kinakausap ni Jodie ang mga larawan ni Ian na nakadikit sa aparador at kunwa’y humihingi ng halik na sinasagot ng, “kiss na naman? Hindi ba nag-kiss na tayo kagabi?” at biglang lilingon ang aktres sa litrato ng kanyang ina (Amy Austria) at sabay sabing, “nagagalit ka na naman ‘nay.”

Ang kaibigang si Erika Padilla na Betty Mae ang karakter ang tagahatid ng balita kay Jodie kung ano ang reaksiyon ni Ian ng matikman ang luto nito sa handaan.

Nakatituwa ang eksenang sinusumpong ng hika si Jodie kasi nga claustrophobic siya nang ma-stock sila sa elevator at nanginginig na umiiyak habang kinakanta ang tong, tong, pakitong-kitong, alimango sa dagat at napansin siya ni Ian at inalalayan nito hanggang sa makalabas sila.

Pinutol ang kuwento sa eksenang pinuntahan ni Jodie si Ian sa opisina niya para sabihin ang nangyari sa minahan na pinagtatrabahuhan ng tatay nitong si Boboy Garovillo bilang si Mr. de Jesus.

Natiyempong mainit ang ulo ni Ian at narinig ni Jodie ang sinabi niya kaya nagulat ang dalaga.

Curious kami kung ano ang ratings ng Pangako Sa ‘Yo noong Lunes habang tinitipa kasi namin ang kolum namin ay wala pa kaming nakuha.

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …