Friday , November 15 2024

LGU officials suportado si PNoy at Mar

ILANG araw pagkatapos iha-yag ni Pangulong Noynoy Aquino na personal niyang pambato sa nalalapit na halalan si DILG Secretary Mar Roxas ay tila bumubuhos na ang suporta para sa pagtakbo nito, kahit pa sa katapusan pa ng Hulyo gagawin ang opisyal na pag-eendorso.

Nanguna rito si Senate Pre-sident Franklin Drilon, isa sa mga haligi ng Liberal Party. “Mar Ro-xas can stand on his record as a good leader. Wala po dapat na record ng katiwalian, alegasyon na nasangkot sa katiwalian. Importante po sa akin ang integrity.”

Ngunit hindi lamang mga senador at congressman ang sumusuporta sa napipisil ni PNoy na papalit sa kanya sa 2016. Pati mga opisyal ng lokal na pamahalaan ay iisa sa pagtulak sa kandidatura ni Ro-xas.

Ikinatuwa ni QC Vice Ma-yor Joy Belmonte ang anunsiyo ni PNoy na ‘top of the list’ ng presidentiables niya. “Secretary Roxas is incorruptible, competent and experienced and I believe he can continue the reforms started by our President thereby ensuring continuity in terms of the strengthening our country’s democratic institutions.”

Nagkakaisa naman ang mga gobernador ng Negros region sa kanilang suporta para kay Ro-xas. Tinawag ni Negros Occidental Governor Alfredo Maranon Jr., na “good team” ang umuugong na tandem nina Ro-xas at Senadora Grace Poe.

Matagal nang kaalyado ni Secretary Roxas si Governor Maranon.

Para naman kay Negros Oriental Governor Roel Degamo, wala nang hahanapin pa ang mga botante sa kalihim ng DILG. “Kung pipili tayo nang magtutuloy ng magagandang nasimulan ng Aquino administration, walang duda na si Sec. Mar Roxas ‘yan. Kilala bilang may kahanga-hangang track record, may tunay na malasakit sa pagli-lingkod at walang bahid ng korupsiyon.”

Sinabi ni Degamo na magagandang halimbawa ang trabaho ni Mar sa disaster preparedness at post-disaster operations na puro “job well done” para sa susunod na lider ng bansa.

Kung si Cebu Governor Hilario Davide III ang tatanungin, si Roxas ang “rightful candidate” para sa Partido Liberal dahil siya’y “decent man and he is nothing but service for the good of Filipinos.”

Mahalaga ang suporta ng mga bigating gobernador dahil kilalang vote-rich provinces ang kanilang pinamumunuan na mga probinsiya.

Umaasa naman si Capiz Governor Victor Tanco na ka-sado na ang pagpili ni PNoy kay Roxas para sa 2016.

Tubong Capiz si Secretary Roxas at naniniwala si Gov. Tanco na may taglay na “experience and capability” ang huli para ipagpatuloy ang repormang sinimulan ng Aquino administration.

About hataw tabloid

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *