Friday , November 15 2024

Fire law, pag-aralan; at Kentex, tapat sa pagtulong

00 aksyon almarHINDI talaga maiiwasan ang magsisihan sa nangyari kamakailan sa Kentex, isang pagawaan ng tsinelas, na nasunog at kumitil ng 72 katao, kabilang na rito ang anak ng isa sa mga may-ari.

Kaliwa’t kanan ang sisihan o turuan kung sino ang dapat managot. Nandiyan daw na maysala ang may-ari at nandiyan ‘yong pagtuturong may sala ang lokal na pamahalaan ng Valenzuela.

Isa pa sa mas higit na sinisisi ang malaking kakulangan ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Hindi talaga maiwasan ang sisihan para matumbok kung sino ang may sala sa insidente – wala itong pagkakaiba sa nangyari noon sa Ozone Disco sa Kyusi at Manor Hotel na daan din ang bilang ng nasawi nang masunog ang dalawang establisimiyento.

Pero kung susuriin, wala ni isa ang may kagustuhan sa nangyari – mismong anak nga ng isa sa may-ari ang namatay habang ang tatay ay nasunog din at nakaratay sa ospital.

Pero sa nangyaring trahedya, dalawang paksa o isyu na posibleng maging opinyon ng publiko.  Una, ang kapabayaan at tumigil lamang doon, habang ang isa pa ay leksiyon para sa lahat.        

Lamang, walang mangyayari sa sisihan o turuan, at sa halip, bigyang pansin naman ang ginawa ng mga may-ari ng pabrika – humaharap sila sa pamilya ng mga namatay. Ibig sabihin, hindi rin nila gusto ang nangyari… at heto nga, hindi matatawaran ang kanilang hakbangin sa iniwang mga mahal sa buhay ng mga biktima.

Sa mga insidenteng ganito, ang madalas na nangyayari ay hindi na haharap ang may-ari, sa halip ang haharap ang kanilang abogado pero ito ay hindi ginagawa ng Kentex.

Gumawa ng paraan ang mga may-ari  upang personal na makausap ang bawat  miyembro ng pamilyang namatayan. 

Ang imahe na dialogong ginawa nitong nagdaang linggo – nakita nang marami kung papaano nakiramay ang isa sa may-ari – ang pagtangis, pagluha ng may-ari.

Isa pang kahanga-hanga sa panig ng Kentex ang pagharap sa kanilang responsibilidad at hindi pinagtataguan ang pamilya ng mga biktima upang mapakinggan ang kanilang hinaing at matulungan.

Ito rin ay pagpapakita ng katapangan at katapatan ng may-ari sa pagtulong.

Tulad nga ng naunang nabanggit, maaaring magturuan kung sino ang may kasalanan sa trahedya ngunit hindi ito ang tamang oras ng sisihan o turuan.

Ang dapat at prayoridad ay baguhin ang sistema upang hindi na muling mangyari sa darating na panahon ang kaparehong trahedya.

Makikita natin, ang ilang personalidad o tinatawag natin traditional politician na ibig samantalahin ang pangyayari. Sumawsaw sa isyu upang magkaroon ng media mileage.

Dapat maging malinaw sa publiko na hindi dapat natin pinapayagan ang mga politiko at NGOs na magningning at magtagumpay upang maisulong ang kanilang sariling interes sa insidenteng ito imbes makiramay at tulungan ay ang kanilang sarili ang isinusulong  kaya  maituturing natin ang kanilang mga gawa ay ‘evil acts.’

Ang importante ngayon, dapat ituring na leksiyon ang nangyari – leksiyon na dapat pagbasehan ng BFP upang muling pag-aralan ng mga ahensiya ng goobyerno katulad ng Bureau of Fire Protection, Department of Labor and Employment at lokal na pamahalaan ng Valenzuela ang kanilang pagpapatupad ng batas na may kaugnayan sa existing fire protection laws. 

‘Wag natin payagan ang mga epal na maging hadlang sa isinagawang imbestigasyon upang malaman ang katotohanan sa insidente. Sa akin palagay, ang paghango ng mga pagbabago sa kasalukuyang batas, at ang masusing pagpapatupad nito ay para sa ikabubuti ng lahat at isang parangal para sa mga biktima ng trahedya.

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *