NAPANATILI ni Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario ang record na pinakamayamang miyembro ng gabinete ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, habang si Education Sec. Armin Luistro ang pinakamahirap.
Batay sa isinumiteng 2014 Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ni Del Rosario, nagdeklara siya ng kabuuang P838,809,918.82 habang P471,064.46 kay Luistro.
Pumapangalawa sa pinakamayamang Cabinet member si Finance Sec. Cesar Purisima na mayroong P298,940,320, habang pangatlo si Tourism Sec. Ramon Jimenez na may P283, 425, 800.
Sunod sina DILG Sec. Manuel Mar Roxas na nagdeklara ng P202,080,452.71; Trade Sec. Gregory Domingo, P148,636,967 habang pang-anim si Cabinet Secretary Jose Rene Almendras, P134.2 milyon; pang-pito si Energy Sec. Jericho Petilla, P122.1 milyon; pang-walo si Chief Presidential Legal Counsel Alfredo Benjamin Caguioa na mayroong P117.1 milyon; pang-siyam si Transportation Sec. Joseph Emilio Abaya, P108.1 milyon at pang-10 si Agriculture Sec. Proseso Alcala na mayroong P91.1 milyon.
Karamihan sa mga Cabinet officials ay lumago ang kayamanan kompara sa kanilang SALN noong nakaraang taon.
Rose Novenario