Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Carlos, mas kumikita bilang restaurant owner at product endorser

 

ni Ed de Leon

052815 carlos agassi

HINDI by chance ang pagkikita namin ni Carlos Agassi noong isang araw. Nagka-chat kami sa social networking site at nagkasundong magkita para makapagkuwentuhan naman. Kasi napansin namin hindi masyadong visible ngayon si Carlos, kahit na napapanood naman natin siya sa ibang mga serye at ngayon ay nagho-host din sa isang Sunday morning show. There was a time, leading man iyang si Carlos. Nagsawa na ba siya sa acting at ano ang ginagawa niya?

Inamin ni Carlos, minsan nami-miss din naman niya iyong mga tele-seryeng ginagawa niya noong araw, pero on the second thought, nakita niya na noong panahong panay ang gawa niya ng mga serye, ang dami niyang nami-miss sa buhay.

Ngayon napakaganda ng takbo ng kanyang restaurant business. Nakita namin ang dami ng taong kumakain doon, kasi masarap naman ang food nila at competitive ang presyo. Napaka-class ng lugar, pero ang presyo hindi taga. Nagulat nga kami, ang presyo nila mas mababa pang ‘di hamak doon sa aming hangout.

Ang personal appearances niya, na mas malaki ang bayad, at naipo-promote pa niya ang mga produktong kanyang ine-endorse, talagang halos walang pahinga kaya hindi mo siya mahagilap basta weekends. Ang dami rin niyang endorsements, karamihan ay mga health product na ang hinihingi lamang sa kanya ay iyong gamitin niya ang mga produktong iyon ay iendoso niya ng personal at sa social media. Kung iisipin mo, mas malaking ‘di hamak ang kinikita ni Carlos ngayon kaysa maraming artista.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …