Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alex, ‘di na binigyan ng show after Inday Bote

 

040815 Alex gonzaga

00 fact sheet reggeeHINDI rin pala kasama si Alex Gonzaga sa Pinoy Big Brother na launching na sa June, ito ang sabi mismo ng taga-production.

Nagtanong kami sa taga-The Voice Kids 2 kung bakit nawala si Alex bilang co-host nina Robi Domingo at Luis Manzano at nabanggit nga na may Inday Bote.

Kaya binanggit namin na ilalagay naman si Alex sa PBB kapalit ng TVK2, “hindi ko alam kung kasama siya, sino ba ang peg niya sa ‘PBB’. Baka naman kapalit ni Mariel (Rodriguez) na luka-luka lang,” sagot sa amin.

Nagte-taping na kasi si Alex ng Inday Bote habang nagsisimula namang mag-taping din ang TVK2 na hindi na kinaya ng dalaga kaya pinalitan na siya.

Patapos na ang Inday Bote at hindi rin kasama si Alex sa PBB, ano pa ang next project niya?

Anyway, base sa umeereng episode ngayon ng Inday Bote ay wala ng makapipigil sa pagbangon ng karakter ni Alex sa ‘ending na hindi puwedeng ismolin ngayong Biyernes (Mayo 29).

Sa pagbubunyag ng tunay niyang pagkatao, gagawin na ni Inday (Alex) ang lahat para itama ang lahat ng pagkakamali na ginawa ni Fiona (Aiko Melendez) sa pamilya niya.

Paano nga ba maaayos ni Inday ang lahat ng kaguluhan sa pamilya Vargas ngayong malalaman na ng lahat na siya ang nawawalang si Kristal? Mapipigilan pa ba niya ang kasamaan ni Fiona sa tulong ng mga duwendeng nagpoprotekta sa kanya? Sa huli, may kailangan nga bang magsakripisyo ng buhay para sa katahimikan at kapayapaan ng lahat?

Huwag palampasin ang ending na hindi puwedeng ismolin si Inday Bote ngayong Biyernes na bago mag-TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida.

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …