Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

4 residente inatake ng aswang sa Cotabato

PINANINIWALAANG inatake ng hinihinalang aswang ang apat residente ng Aleosan, Cotabato kabilang ang isang 4-anyos paslit nitong Lunes ng gabi.

Mula sa sentro ng kabayanan, kailangan pang bumiyahe ng 15 kilometro bago marating ang Sitio Upper Tapudok, Brgy. Tapudok kung saan sinasabing kinagat ang apat ng isang malaking itim na pusa na pinaniniwalaang aswang.

Ayon kay Datu Ali Alamada, 15-anyos, at isa sa mga nasugatan, nagkaroon muna ng masangsang na amoy bago nakita ang malaking itim na pusa. 

Habang sinabi ni Hamida Kunting, naramdaman na lang niyang malamig ang kanyang kamay at pagtingin niya’y marami nang dugo mula sa kagat ng sinasabing asawang. 

Kwento ng isa pang residente na si Pong Salilama, naigapos pa nila ang aswang ngunit nakawala rin.

Dahil sa insidente, naglagay na ng mga pangontra ang mga residente sa kani-kanilang bahay gaya ng bawang, gaas, kawayang matulis ang dulo at iba pa. 

Gabi-gabi na ring nagpapatrolya ang mga lalaking residente para mahuli ang sinasabing aswang.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …