LUMOBO na sa 1,288 ang bilang ng mga Filipino na nakakulong sa iba’t ibang bansa dahil sa mga kasong may kaugnayan sa ilegal na droga.
Ito ang naging ulat ng DFA sa kanilang pagharap sa pagdinig ng House committee on dangerous drugs, partikular na sa usapin ng kaso ni Mary Jane Veloso.
Lumalabas na sa mahigit 1,000 drug rela-ted cases, 41 sa kanila ang nahatulan ng kamatayan.
Habang 18 sa kanila ay nakakulong sa Malaysia, 21 sa China, isa sa Saudi Arabia, at isa sa Indonesia.
Ilan sa mga naaresto ay nagsilbing drug mule, habang ang iba ay walang ideya kung paano nagkaroon ng droga sa kanilang mga bagahe.