Sunday , December 22 2024

Roxas kasado sa hamon ni PNoy

NAKAHANDA ako.

Ito ang mariing tugon ni DILG Secretary Mar Roxas sa mga tanong ng reporter ukol sa pahayag ni Pangulong Noynoy Aquino na siya pa rin ang pambato ng pangulo para sa darating na eleksyon sa 2016.

“Ito ang titiyakin ko sa inyo, sa ating mga kababayan: handa akong harapin at tanggapin ang tungkuling ipagpatuloy ang mga magagandang nasimulan na natin.” pahayag ni Roxas.

Tila hindi tinatantanan ng balita si Secretary Roxas habang siya ay bumisita sa Dona Remedios Trinidad, Bulacan para sa proyekto ng DILG na Salin Tubig. Sa pangunguna niya, nagkaroon ng potable water sa unang pagkakataon ang mga residente ng Dona Remedios Trinidad. Mahigit 400 munisipyo na ang naaabot ng proyektong ito.

Nagpasalamat rin si Roxas sa tiwala ni PNoy na kaya niyang ipagpatuloy ang mga repormang nasimulan nan g administrasyon. “Malinaw ang kanyang sinabi at tinatanggap ko ito ng buong puso. Para yung mga magandang nasimulan na natin ay maipagpatuloy natin.”

Ikinatuwa naman ng mga kaalyado ng administrayon ang naging pahayag ni PNoy na personal niyang pambato si Roxas. “Kilala ko si Sec. Mar bilang isang pinunong may kakayahan at integridad. Tiwala ako na ang pipiliin ni Pangulong Aquino ay ang pinakakarapat-dapat na magpatuloy ng Daang Matuwid na kanyang sinimulan” sabi ni Camarines Sur Congresswoman Leni Robredo.

Sinegundahan ito ni Palawan Representative Chicoy Alvarez, na sinabing hindi siya nagugulat na pinili ni PNoy si Roxas. “There are others who are also incorruptible but it is only Secretary Roxas who is capable of running the country dahil sa malawak na karanasan nito bilang congressman, senador at cabinet secretary sa tatlong presidente.”

Tinawag namang “deserving” ni Congressman Kit Belmonte si Secretary Roxas. “Mar has been tried and tested by many challenges and he has successfully empowered the common folk to prepare for the unexpected.” Matatandaang nasaksihan ni Congressman Belmonte ang galing at pagpupursige ni Roxas noong hagupitin ng Bagyong Ruby ang Eastern Samar. “But from Mar, people can expect nothing but the best.” dagdag niya.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *