Tuesday , November 26 2024

Rep. Singson: “guilty but proven influential”

00 Kalampag percyMAY ‘chilling effect’ sa “peace loving citizens” at anti-illegal drugs advocates ang desisyon ng Korte Suprema na hindi immoral ang kasong illegal possession of prohi-bited substance na convicted si Ilocos Sur Gov. Ronald Singson sa Hong Kong.

Idinulog sa Korte Suprema ang disqualification case laban kay Singson ni Atty. Bernard Baterina dahil pinaboran ng House Electoral Tribunal (HRET) at Commission on Elections (Comelec) ang kandidatura ni Singson.

Ilang beses na natin binanggit na batay sa Republic Act 7160 o The Local Government Code Section 40 ay diskuwalipikado na kumandidato sa local elections ang “(a) Those sentenced by final judgment for an offense involving moral turpitude or for an offense punishable by one (1) year or more of imprisonment”.

Umabot sa 26.1 grams ng cocaine at dalawang tablet ng Valium ang nakompiska kay Singson sa HK at inamin niya sa hukuman na kanya ang mga ipinagbabawal na gamot.

Simple lang ang lohika, ang illegal na droga ay ipinagbabawal dahil may masamang epekto sa isip at ugali nang gagamit nito na karamiha’y huma-hantong sa krimen.

Ito ang pangunahing dahilan kaya ito ipinagbawal, labag ito sa pamantayan ng moralidad ng sibilisadong lipunan.

Kung para sa lahat ng mahistrado ng Supreme Court, ang kaso ni Singson ay hindi immoral, da-pat ay kagyat na kumilos ang mga mambabatas para patalsikin sila sa puwesto.

Hindi na natin dapat pang hintayin na ang isinusulong na pambababoy sa batas ng SC ay humantong sa pagkawask ng moralidad ng mga Filipino at maghari ang mga kriminal sa bansa.

Sa susunod natin ilalathala ang mga reaksi-yon ng ating readers at listeners ng programang Katapat sa Radio DWBL (1242 Khz.) na saba-yang napapanood sa buong mundo, Lunes hanggang Biyernes, 10:30 pm – 11:30 pm, via www.ustream.tv/channel/boses sa internet.  

Pakulo ni Erap sa MET sinupalpal ng Palasyo

INIHAYAG ng Department of Budget and Ma-nagement (DBM) kahapon na sapat na ang P270M na ipinagkaloob sa National Commission for Culture and the Arts (NCAA) para bilhin ang Metropolitan Theatre sa Government Service Insurance System (GSIS) at simulan ang restoration nito.

Ibig sabihin, wala nang tsansa si ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada na pagkakitaan ang MET. Noong nakalipas kasing Enero ay inihayag ni Erap na balak niyang bawiin o tubusin ang MET mula sa GSIS sa halagang P200-M.

Sabi ng damuhong mandarambong, interes pa lang daw sa pagkakasangla ay P600-M na, pero hindi niya binanggit kung magkano naisanla sa GSIS noong dekada ’70. Naamoy siguro ng Malacañang na gusto na naman gahasain ni Erap ang kaban ng bayan para may ipantustos sa “illegal” niyang pagtakbo sa 2016 elections.

De Lima gustong pag-usapan, ginagamit pang “deodorant” si Duterte para magpasikat    

PARA makapagpanggap na malinis at makatao, umalma si Justice Secretary Leila de Lima sa pag-amin ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na may kinalaman siya sa Davao Death Squad (DDS).

Nagsisipsip si De Lima, umaastang “attack dog” na handang lapain ang sinomang banta sa standard bearer ng Liberal Party sa 2016.   

Sabi ng nag-iilusyonadang senadora, may testigo raw siya laban kay Duterte sa akusasyon na may 1,000 ang itinumba ng DDS at malinaw na paglabag daw ito sa human rights kaya hindi dapat gawing idolo si Duterte.

Pero hindi natinag si Duterte kay De Lima, hinamon niya ito na sampahan siya ng kaso.

Kapag siya ang mapipiling susunod na Pa-ngulo ng bansa, tiniyak ni Duterte na hindi lang 1,000 ang mabubura sa mundo, maaaring uma-bot pa ito sa 100,000 at tiyak na tataba ang mga isda sa Manila Bay. “Papatayin ko talaga kayo,” ‘yan ang babala ni Dutere sa mga kriminal. Mas gugustuhin na natin ang estilo ni Duterte sa pagpapatupad ng batas kaysa naman kay De Lima na binebeybi ang mga kriminal.

Ano na ba ang ang nangyari sa VIP prisoners sa Bilibid na itinago ni De Lima sa NBI; sa mga drug related case na pinasentralisa niya sa kanyang tanggapan na ‘di umusad; sa kaso kontra smugglers, at tax evaders; at Ampatuan massacre na mukhang wala nang patutunguhan? Mabaho pa sa anghit ang mga sumingaw na alingasngas ni De Lima sa DOJ kaya wala siya ni kati-ting na karapatan na gamiting “deodorant” si Duterte para bumango ang kanyang mabantot na imahe.

Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *