Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Problemado nagkoryente sa sarili, patay

NAGPAKAMATAY ang isang hindi nakilalang lalaki sa pamamagitan ng pagkoryente sa kanyang sarili sa itaas ng isang gusali dahil sa matinding problema kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Agad binawian ng buhay ang biktimang 40-45-anyos, may taas na 5’2 hanggang 5’4, at nakasuot ng maong pants.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Giovanni Arcinue, ng Station Investigation Detective Management Branch (SIDMB) ng Pasay City Police, naganap ang insidente dakong 8:45 p.m. sa Gil Puyat Avenue, Brgy-38,  Zone 05, ng naturang lungsod

Nabatid mula kay King Bayot, 25, stay-in ng Car Wash Auto Shop sa 2015 Gil Puyat Avenue, Brgy. 38, Zone 5, ng naturang lungsod, nakita niya ang biktima nang umakyat sa itaas ng gusali  ng MSV Laser Cutting Service (tarpauline and signage shop).

Sinabihan niya na bumaba ngunit sumigaw ang biktima na magpapakamatay siya saka hinawakan ang kawad ng koryente hanggang siya ay mangisay at sumabit sa kable.

Agad itinawag sa Meralco ang insidente na pansamantalang pinatay ang linya  ng  koryente upang maalis ang biktima. Sinabi ng cigarette vendor na si Margie Sanay, 48, bago ang insidente, bumili sa kanya ng sigarilyo ang malungkot na biktima.

Aniya, nang tanungin niya kung bakit malungkot, ang tugon ng biktima ay “Bakit kung may problem ba ako dapat ba maging masaya?”

Jaja Garcia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …