ni AMBET NABUS
SPEAKING of blessing, nasabi sa amin ni papa Piolo Pascual na ang latest recognition niya bilang Box-Office King sa Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation ang matatawag niyang surprise blessing ng career niya.
Sa tinagal-tagal na kasi niya sa showbiz at sa rami na rin ng nagawa, ngayon lang daw siya natawag na ‘hari ng box-office’ at nang dahil pa ‘yun sa isang movie na last year ay inakala niyang magiging ‘swan song’ o “goodbye project” na niya as an actor.
“Blessings do really come in various forms. I do not know if this will happen again but experiencing it like this is something. As an artist, nakakataba pa rin ng puso kaya dapat lang na ibalik ang pasasalamat at gratitude sa mga taong tumangkilik sa iyo,” sey ni papa Piolo na nangakong dadalo sa naturang seremonya ngayong June 14.