Thursday , December 26 2024

Mas dumami ang fans ni Mayor Duterte

00 pulis joeyNANG sabihin ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa media interview na kapag siya’y naging presidente sa 2016, malamang na maubos ang mga criminal, nag-trending agad ito sa social media. Umani ng maraming “Likes” pero marami rin ang naunsiyame sa inasal ng alkalde.

“Yang 1,000 na pinatay, baka maging 50,000 hanggang 100,000 ‘yan. Kaya ‘wag n’yo akong iboto na presidente!” matapang na pahayag ni Duterte.

Inamin din ni Digong ang “death squad” na pumapatay sa mga kriminal sa Davao City.

Kaya sabi ni Department of Justice (DoJ) Secretary Liela de Lima, “liable” si Duterte sa mga nangyaring patayan sa kanyang lungsod. Dapat umanong paiimbestigahan ang alkalde.

Maging ang mga political analyst mula sa University of the Philippines (UP) ay nagsabing… sa inasal ni Digong ay hindi na siya mananalo kapag tumakbong pangulo sa 2016. Dahil mag-aalangan na aniya ang mga taong iboto pa siya.

Pero tila mali ang forecast ng mga political ana-lyst. Dahil sa social media ay patok na patok si Digong sa kanyang pagprangka na papatayin niya lahat ng kriminal kapag naging presidente siya. Nagpapakita lamang ito na talagang desmayado na ang mga tao sa peace and order sa bansa…

Sabi pa ng netizens, ang katulad ni Duterte ang kailangan ngayon ng bansa. Pero dapat daw isama ni Duterte sa kanyang mga papataying kriminal ang mga politiko o opisyal ng gobyerno na magnanakaw! Tulad ng nagkakamal ng mala-king kickback at nag-o-overprice sa government projects. Sapol dito ang mga senador, kongresista at Vice President na akusado ng Plunder. Hahaha…

Go, pareng Digong!

Hirap si VP Binay makahanap ng running mate!

TILA walang gustong maging running mate ni Vice President Jojo Binay sa 2016 presidential election.

Una nang ibinasura nina Senadora Grace Poe at Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang alok ni VP Binay.

Bagama’t hindi naman deretsang nagsalita si ex-Senator Ping Lacson sa alok ni VP Binay na maka-tandem sa darating na halalan, tiyak na aayawan din niya ito matapos sabihin na ayaw niya  maging “spare tire” lamang o walang ginagawa.

Ibig sabihin, presidente rin ang target ni Ping! Mismo!

Sino na lang kaya ang maging ka-tandem ni VP Binay?

‘E kung si Erap ang tatanungin, kapag tumakbo uli siyang presidente, ang gusto niya maging VP ay si Binay uli.

Meaning, ayaw ni Erap maging VP lamang ni Binay. Nag-tandem na sila noong 2010.

Baka sa bandang huli, ang maka-tandem na lang ni VP Binay, kung hindi si Senador Jinggoy Estrada ay si Sen. Bong Revilla na kapwa nakakulong sa kasong Plunder kaugnay ng P10-billion pork barrel fund scam. Kickbak!

Nauna nang sinabi nina Jinggoy at Bong na tatakbo sila sa higher position sa 2016 kahit sila’y nakakulong. Iboboto n’yo ba? Tex text text…

Puna sa Human Rights at Duterte o Poe ang dapat sa 2016!

– Sir Joey, puna ko lang sa ating mga human rights group, parang kampi sila sa mga kriminal. Katwiran ba na “batas ito” kaya dapat ipatupad at sundin ng ating human rights lawyers? Yes!, magandang pakinggan… pero bakit mukha yata dumarami ang heinous crimes sa ating bansa tulad ng robbery, kidnapping, child trafficking, rape? Kumpara po nong wala pa tayong human rights, bilang na bilang lang sa ating mga daliri ang nangyayaring krimen. Paano na yaong mga kababayan nating nakaranas ng ganitong krimen? Ano ang ginawa ng human rights, nganga! Eh kung sa pamilaya rin kaya ng human rights groups mangyari? Sir Joey, sa aking palagay, ang solution sa lumalalang problema sa ating bansa hindi human rights ang kasagutan kundi panahon na para patikimin ng kamay na bakal ang mga kriminal. Kaya ang kailangan nating pinuno ng bansa ay katulad ni Duterte o Poe! – 09496984…

Marcos-Cayetano ang likes!

– Good noon, Sir Joey. Para sa akin, Bongbong Marcos for President at pang-Vice si Cayetano (Alan Peter). – Jerry Eparoa ng CDO, 0935949…

 

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *