ni Pilar Mateo
THE PEP squad! Inilabas na ng PEP ang first batch ng winners sa ikalawang taon ng kanilang PEPster’s Choice. Matapos ang tatlong buwan ng online voting, nakakuha ng 14,090,744 na boto mula sa masugid na taga-suporta sa buwan ng Pebrero 9 to May 9, 2015 ang nasabing bilangan.
At ang nanguna ay ang Kapuso Royale couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes na ibinoto bilang Newsmakers of the Year.
Ang resulta na in-audit ng Punongbayan & Araullo ay ang mga sumusunod:Celebrity Pair—Kim Chiu and Xian Lim; Child Star of the Year—Lyca Gairanod;Female Fab Star of the Year—Kim Chiu; Male Fab Star of the Year—Xian Lim;Female Movie Star of the Year—Kim Chiu; Male Movie Star of the Year—Daniel Padilla; Female Teenstar of the Year—Kathryn Bernardo; Male Teenstar of the Year—Darren Espanto.
Inaabangan pa ang PEP Editors’ Choice. At kasalukuyang ginagawa ang deliberation para sa mga kategoryang Male and Female TV Star of the Year, Primetime Series of the Year, Daytime Series of the Year, Talk/Variety Show of the Year, Teleserye Actor and Actress of the Year, Breakout Star of the Year, PEP Reporter of the Year, PEP Contributors of the Year, at PEP Photographer of the Year.
Sina Lyca, Xian, at Marian ang nakadalo at humarap sa press na ang awarding ay gaganapin sa Solaire Resort and Casino.
A blooming mommy-to-be na Marian ang nagsabing next month na nila malalaman kung girl o boy ang blessing na darating sa kanila. At tuwang-tuwa nga sa pagsasabing ini-enjoy niya ang bawat moment sa pagbabantay sa bawat galaw ng buhay sa kanyang sinapupunan.
”Natutuwa rin ang partner ko kasi, hindi raw siya makapaniwala na may babaeng nasa mundo ng showbiz na isasakripisyo ang career niya para sa magiging anak. Ako naman kasi, kung may mangyari sa magiging anak namin, hindi ko mapapatawad ang sarili ko.”
Si Xian naman daw eh, hindi nababahala sa mga ka-negahang nasusuungan niya dahil mayroon naman daw niyang natutuhan dito in the end at natutuwa siya sa solid na suporta ng mga tagahanga nila ni Kim.
Nag-share rin si Marian sa pagharap ng mga intriga sa buhay niya. Pero hindi naman daw siya aabot sa punto na magpapaka-plastik kundi magpapaka-totoo lang.
Si Lyca, umamin na hindi pa nahahawakan ang milyon na napanalunan niya. Pero alam niya na ‘pag laki niya eh magagamit ito para sa pag-aaral ng kanyang mga kapatid. Ang tanging nasabi ng bagets, ”’Di na po kami naghihirap ngayon!”