MABILIS na lumusot sa House Ways and Means Committee ang Basic Law for the Bangsamoro Autonomous Region (BLBAR).
Nagkaroon lang ito ng apat minor ammendments ngunit hindi naapektohan ang kabuuan ng panukala.
Nabatid na hindi ito dumaan sa normal na botohan kundi nagmosyon na lang si Batangas Rep. Raneo Abu habang ang iba niyang kasamahan ang nag-second the motion.
Magkahiwalay ang pagdinig na idinaos ng Ways and Means at Appropriations Committee kahapon kaya hati ang mga kongresista.
Ang taxation provisions ng BLBAR ang pangunahing usapin ng Ways and Means Committee habang ang alokasyon ng Bangsamoro ang ipapasa ng Appropriations Committee kasama na rito ang block grant.
Wala pang desisyon ang Kamara kung pagbibigyan ang hiling ni House ad hoc committee chairman Rep. Rufus Rodriguez na umpisahan ang sesyon ng umaga sa oras na magsimula ang deliberasyon ng BLBAR.