Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ate Vi, inaming matindi pa rin ang pressure para tumakbo sa ibang posisyon

 

ni Ed de Leon

021615 Vilma Santos

PAPUNTA sa kanyang panibagong test shots si Governor Vilma Santos, para sa gagawin nilang pelikula ni Angel Locsin noong makausap namin. Actually noon pa dapat ginawa iyon pero dahil pagbalik niya matapos ang dalawang linggo sa US, tambak naman ang trabaho sa Batangas. Kaya nga naharap lang niya iyon noong Sabado dahil wala siyang office.

Pero hindi pa rin tuloy-tuloy sa shooting, kasi aalis na naman siya sa June dahil siya naman ang guest speaker ng mga OFW sa Europe sa June 19. Karamihan daw kasi ng mga Pinoy na OFW sa lugar na iyon ay mga taga-Batangas kaya siya naman ang kinumbida. Pero ang sabi ni Ate Vi, pagbabalik niya tuloy-tuloy na ang shooting niya.

Iyon ang problema ngayon sa acting career ni Ate Vi. Hindi siya kagaya ng iba na laging available sa lahat ng schedule dahil sa rami ng kanyang trabaho. Iyon namang iba kasi walang ginagawa talaga kaya kahit na anong projects puwedeng sahurin. Pero hopefully, sabi nga niya pagkatapos siguro ng kanyang term bilang gobernador ng Batangas, mas mahaharap niya ang kanyang acting career.

Iyon ay kung talaga ngang matatakasan na niya ang buhay politika. Pero inamin niya, matindi pa rin ang pressure na tumakbo pa siya sa ibang position kahit na sinabi na niyang ayaw na niya.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …