ni Ronnie Carrasco III
THE newest Kapamilya to have joined the nework ay si Arci Muñoz.
Produkto ng Starstruck ng GMA, Arci has gone full circle. Nang hindi namunga ang kanyang sinimulang karera sa GMA, lumundag siya sa TV5. For some reason, bumaklas din siya sa Kapatid Network, and has found a new home.
Masasabing biggest break ni Arci ang teleseryeng Pasion de Amor on ABS-CBN’s Primetime Bida block, she being partnered with Jake Cuenca na third-time suki na ng mga locally adapted foreign telenovelas.
Sa presscon ng nasabing teleserye, dalawang bagay tungkol kay Arci caught our attention: una, malakas pala ang kanyang sex appeal, bagay that betrayed her teeny-bopper looks noong nasa Starstruck pa siya; ikalawa, maganda pala siyang magsalita, Inglisera pa.
Maging ang mga katrabaho namin sa GMA, mula noong ilunsad ang Starstruck, hardly recognize kung paanong ang neneng-nene noon can pass for a daring star.
Hindi na raw dapat pagtakhan kung mukhang intelihente si Arci. Sa UP pala siya nag-aral.
At least, mukha mang boldie si Arci, parang si Maria Isabel Lopez lang ang peg niya. A Fine Arts graduate from UP, pero Inglisera’t matalino rin.