Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angel Locsin, excited nang maging misis!

 

050615 ANGEL Locsin

00 Alam mo na NonieBALITA na ang showbiz couple na susunod na ikakasal ay sina Angel Locsin at Luis Manzano. Nabanggit nga ni Luis na nalalapit na ang pagpo-propose niya sa girlfriend na si Angel at hindi naman maiwasan ng aktres na kiligin sa tinuran ng kasintahan.

Although nilinaw ni Angel na ayaw niyang magmadali, dahil gusto raw niyang walang pressure na nararamdaman sakaling ikakasal na.

“Yes, I’m kilig. Pero sa akin kasi, kung mangyayari, mangyayari. Hindi naman ako nag-ra-rush. Kung ganoon iyong sinasabi niya, nakakakilig naman talaga. Pero wala namang pressure. Relax-relax lang,” saad ng Kapamilya aktres.

Kapwa boto ang pamilya nina Luis at Angel sa kanilang relasyon, kaya walang sagabal kahit na anong oras nila maisipang magpakasal.

Nabanggit nga ni Angel na masaya si Luis dahil excited na raw ang mother niyang si Batangas Governor Vilma Santos na magkaroon ng apo sa kanilang dalawa.

Nasabi rin ni Angel na handa na siya emotionally at nasa tamang gulang na rin. “Sabi ko noong mga nasa 19 years old pa lang ako, ‘Kapag nag-22 na ako, magpapakasal na ako.’ Tapos noong nag-22 na ako, sabi ko, ‘Kapag nag-25 ako, magpapakasal na ako.’

“Pero ngayong 30 na ako, I feel emotionally (ready). Sa savings, okay rin, financially okay naman ako. Nahanap ko na rin naman siguro ‘yung gusto kong makasama buong buhay ko,” lahad pa niya.

Ngunit idinagdag niyang si Lord na ang bahala kung ano ang maganda para sa kanila ni Luis.

“Siyempre ang Diyos pa rin ang makapagde-decide niyan. Umaasa na lang ako. Kaya siguro hindi na ako nagpapa-pressure or nagmamadali kasi alam kong may magandang plano sa akin si God talaga kahit na anong mangyari.

“Lord’s timing is always perfect. Antayin lang natin.”

ni Nonie V Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …