NANINIWALA si Senate Committee on Local Government chairman, Sen. Bongbong Marcos na hindi magpapasa ang Senado ng “isang bersyon na alam namin na unconstitutional.”
Nabatid na bubusisiin nang line-by-line ng Senado ang Bangsamoro Basic Law (BBL).
“Palagay ko kasi lahat ng ating kapwa senador, mga nakakausap ko tungkol dito, sinasabi naman nila ay gusto talaga nilang gawin na iisa-isahin, line by line, section by section,” pahayag ni Marcos.
Giit niya, hindi hihintayin ng Senado na ipatawag sila sa Korte Suprema para patunayan na walang nilalabag sa batas ang panukala.
“Napakahirap naman kung may lilitaw na naman na tinatawag na ‘Palace version’ at ito’y pipilitin kasi alam naman natin ang constitutional.”