MASKI si Pangulong Benigno Aquino III ay duda sa tsansa ni Vice President Jejomar Binay sa 2016 presidential elections dahil sa kinakaharap na mga isyu ng katiwalian.
Ayon sa Pangulo, kahit na nangunguna si Binay sa mga survey sa presidential aspirants, ang abilidad ng Bise-Presidente sa pagsagot sa mga alegasyon ng korupsiyon ang magiging batayan sa paglahok niya sa 2016 presidential derby.
“Iyong the impression has been that he has been at the forefront of the challenge as we look at all of the surveys. But at the same time, iyong I think that question rest on his ability to be able to answer all of the allegations that he is being confronted with at this present time,” aniya.
Nauna nang inihayag ng Punong Ehekutibo na wala siyang balak na makisawsaw sa mga problema ni Binay dahil ayaw niyang magbigay ng “unsolicited advice” lalo na’t ‘di hamak na mas matanda sa kanya ang Bise-Presidente.
Naglabas ng freeze order ang Court of Appeals noong nakaraang linggo laban sa 242 bank accounts at investments ng pamilya Binay at “dummies” na nagkakahalaga ng P600 milyon, batay sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) report.
Rose Novenario