Monday , November 18 2024

PNoy admin may ‘Secret Deal’  sa US hinggil sa WPS issue

INAMIN ni Pangulong Benigno Aquino III kahapon na may “secret deal” ang kanyang administrasyon sa Estados Unidos hinggil sa isyu ng West Philippine Sea (WPS).

Sinabi ng Pangulo, hindi pa niya puwedeng isapubliko ang mga detalye nang pakikipagtulungan ng Amerika sa Filipinas sa usapin bilang depensa kontra sa pangangamkam ng China sa pinag-aagawang mga teritoryo sa WPS.

“Iyong, well, part of it, as you know, meron na tayong tulungan doon sa maritime domain awareness. Ngayon, as you also know, hesitant akong mag-reveal ng lahat ng details e. Siguro maski sa basketball hindi pinapakita ng magkabilang coach ‘yung kanilang playbook,” ayon sa Pangulo sa isang ambush interview makaraan bisitahin ang Marikina Elementary School.

Ang pahayag ng Pangulo ay makaraan mapaulat na walong beses na itinaboy ng Chinese Navy ang US surveillance plane P-8A na nasa himpapawid ng South China Sea dahil military alert zone nila ito kaya’t dapat lisanin agad ng mga Amerikano.

Sa kabila ng insidente, paninindigan aniya ng Filipinas ang karapatan sa mga isla sa WPS na sakop ng exclusive economic zone ng bansa.

“We will still fly the routes that we fly based on international law and the various agreements and treaties we have entered into through various decades,” giit niya.

Binalewala rin niya ang pangamba na kokomprontohin ng China ang Filipinas dahil wala pa namang idinedeklarang “air defense identification zone (Adiz)” ang Beijing.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *