Thursday , December 26 2024

Plunder cases filed vs Mayor Olivarez et al black propaganda ng mga desperadong politiko

00 rex target logoHINDI umano totoo at lalong walang besehan ang graft at plunder case na isinampa ng mga hindi nagpakilalang grupo laban kay Parañaque CityMayor Edwin Olivarez at sa 13 pang city officials.

Nasa Estados Unidos (US) si Mayor Olivarez at iba pang city officials para sa isang official trip nang bumulaga sa broadsheet newspapers ang balita tungkol sa kaso.

Kitang-kitang sa timing ng pagpapalabas ng negative write up at ang motibo sa likod ng mapanirang artikulong ito.

Nag-ugat ang usapin noong ang dating administrasyong Bernabe ay pumasok sa isang memorandum of agreement (MOA) sa mga kompanya ni Delfin Wenceslao para sa isang ‘tax holiday.’

Iniulat na nagkaroon ng over-payment ang mga kompanya niWenceslao sa city hall ng Parañaque na umaabot sa halagang  P390,361,661.62.

Nang maupo si Mayor Olivarez, nadiskubre ng administrasyongOlivarez na ang MOA na may petsang October 13, 2008 sa pagitan niMayor Florencio Bernabe at ng Wenceslao Group ay walang approval sa Sangguniang Panlungsod ng Parañaque.

Agad nagsumite ng mosyon si Mayor Olivarez sa Court of Appeals ngunit ibinasura lamang ng CA.

Nagsumite ng mosyon si Mayor Olivarez sa Korte Suprema at habang naka-pending ang nasabing motion sa SC, nagkaroon ng Compromise Agreement ang administrasyong Olivarez at Wenceslao Group na isinumite naman sa city council ng lungsod for approval.

At noon ngang Nobyembre 7, 2013, inaprubahan ng Sangguniang Panglungsod ng Parañaque ang Compromise Agreement ng administrasyong Olivarez at Wenceslao Group.

Noon ngang Pebrero 24, 2014, naglabas naman ng desisyon ang Korte Suprema na nag-aapruba sa Compromise Agreement na ito ( GR No.198281 entitled ‘City of Parañaque vs Wendel Holdings Company Inc. and D.M.Wenceslao and Associates).

So malinaw na walang nilalabag na batas ang nilalaman ng nasabing Compromise Agreement na pinag-ugtan ng kasong plunder na isinampa laban kina Mayor Olivarez at sa 13 city officials.

Naniniwala rin tayo, hindi credible ang grupong nagsampa ng kaso sa Ombudsman dahil nakakubli at hindi nagbigay ng tunay na pagkakakilanlan.

Lumalabas tuloy na isa itong black propaganda laban kay Mayor Olivarez  para sirain ang malinis na pangalan nito at kredibilidad.

Gawa-gawa lamang ito ng mga taong nagnanais na makabalik sa poder at gamitin ang isyung political na pagsasampa sa kaso.

Inaasahan din ibabasura ng Ombudsman ang kasong graft at plunder na isinampa sa grupo ni Mayor Olivarez sa kawalan ng substance at merito.

Para mag-prosper ang isang kaso, kailangan malinaw kung sino-sino ang nagsampa ng kaso at malinis ang kanilang motibo.

Maganda ang naging performance ni Mayor Olivarez bilang Mayor ng Parañaque City kung kaya’t pilit itong sinisiraan at inaakusahan ng mga baseless  accusation ng mga kalaban sa politika.

Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR USTREAM TV” Monday  to  Friday 2:00 – 3:00 PM. mag email sa [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *