Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Matteo at Sarah, namataang may kausap na pari

 

052615 sarah matteo

00 fact sheet reggeeNAKITANG may kausap na pari sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo sa nakaraang birthday party ng daddy ng aktor.

Ito ang ibinulong ng aming source na ginawa ang intimate dinner sa mansion ng mga Guidicelli sa Ayala, Alabang at namataan nga si Sarah na nag-iisa lang.

Pinapayagan na pala si Sarah nina Mommy Divine at Daddy Delfin na mag-isang pumunta sa bahay nina Matteo? Ibig sabihin ba ay tanggap na nila ang binata bilang nobyo ng anak nila.

Nagkaroon muna ng misa bago ang dinner at nakitang katsikahan nga nina Matt at Sarah ang paring nag-misa.

Hmm, hindi naman siguro kasal ang pinag-usapan nila, ‘no Ateng Maricris?

Samantala, may album pala si Matteo mula sa Star Music at nakitang nag-meeting sila kasama si Roxy Liquigan ng Star Music at manager ng aktor na si Jojie Dingcong sa Pamana Restaurant noong Linggo.

Kuwento ng aming katoto na naroon din sa restaurant ay narinig niyang nagkakatawanan ang grupo kung ano ang magandang titulo ng album ni Matteo.

At ang dinig ng kaibigan naming katoto ay Divine Love raw ang titulo nito na pati kami ay natawa dahil parang sinadya naman yata ito para ialay kay Mommy Divine?

Sa kabilang banda, ano ba ang next project ni Matteo pagkatapos ng Inday Bote? Parang wala na kaming naririnig pa, maliban sa nalalapit na launching ng album niya na maimbitahan kaya tayo, Ateng Maricris?

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …