Sunday , December 22 2024

Mabilis na hustisya para sa Kentex workers (Sigaw ni Villar )

TALIWAS  sa kaso ng Ozone Disco fire na inabot ng 20 taon bago naparusahan ang mga nagkasala, umaasa si Sen. Cynthia Villar ng agarang hustisya para  sa 72 manggagawa na namatay sa  Kentex factory fire sa Valenzuela City bilang senyales na seryoso ang pamahalaan sa pagpapatupad ng batas.

“We thought we learned from the Ozone Disco incident 19 years ago but here comes another deplorable fire incident that killed 72 workers. Something is patently wrong in the mechanisms in place for something this terrible to happen again,” ani Villar.

“I just hope we don’t have to wait for another 20 years. Let the legal process proceed smoothly for the Kentex workers and reforms in the system implemented as soon as possible,” dagdag niya.

Sa pag-akda sa panukalang Senate Resolution No. 1346, nanawagan si Villar  na magsasagawa ang Senado ng pagsisiyasat sa mekanismo, batas at alintuntunin, kabilang ang mga gawain sa aktuwal na pagpapatupad ng Republic Act 9514 o ang Fire Code of the Philippines, at ang Occupational Safety and Health (OSH) standards.Sinabi ni Villar na dapat imbestigahan ang posibleng paglabag sa OSH standards sa Kentex Factory kaugnay sa pagbabawal ng pagwe-welding sa lugar na may combustible materials at pagkakaroon ng dalawang fire exits sa bawat palapag ng lugar na pinagtratrabahuhan.

Dapat din siyasatin ang paglabag sa Fire Code na kailangan magsagawa ng fire inspection sa ‘workplace’  bago ang pagpapalabas ng occupancy permit, business permit, o permit to operate.

“City officials should also be held liable for administrative and criminal charges in connection with their involvement in granting safety clearance and permits to the establishment without conducting actual inspections and despite several structural defects,” sabi ng senador.

May 162 katao ang namatay at 93 ang nasugatan sa naganap na sunog  noong 1996 sa Ozone,  tinaguriang pinakagrabeng sunog  sa kasaysayan ng Pilipinas.

Bunga nito, pitong opisyal ng Quezon City government ang napatunayang nagkasala sa kasong katiwalian. Dalawang  operators ng Ozone Disco ang napatunayan din nagkasala. Overcrowding at ang kawalan ng fire exit ang mga paglabag na napatunayan sa sunog na ito.

 “It is incumbent upon the state to revisit and look into the practices being done in the actual implementation of the Fire Code and the OSH standards in order to find the fault in the system,” ani Villar. Inihayag ng Nacionalista Party senator na dapat tiyakin ng mga awtoridad ang karampatang kompensasyon para sa kamag-anak ng mga namata at dapat tugunan ang medikal na pangangailangan ng mga nasugatan.  

Niño Aclan

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *