Sunday , December 22 2024

Kontraktuwalisasyon tutuldukan ng Tanduay Strike (Sumunod sa kasaysayan ng La Tondeña at Coke)

NGAYON ay nasa unang linggo, idineklara ng mga manggagawa sa distillery plant sa Cabuyao, Laguna ang kanilang strike bilang “historical one,” sinabing ito ay sumusunod sa nakaraang strikes ng contractual workers na dapat maging inspirasyon ng iba pa.

Anila, ang strike ng contractual workers sa Tanduay Distillers, Inc. ay sumunod sa tradisyon ng strike sa La Tondeña noong 1975 at strike ng contractual workers ng Coca-Cola noong 2013.

“Sa loob ng pitong araw, naranasan namin ang iba’t ibang emosyon: nagagalak dahil sa malawakang suporta na aming nararanasan mula sa buong mundo, ahitado dahil sa mga prinsipyong nag-uugnay sa amin, at napopoot sa kapitalistang si Lucio Tan dahil sa walang humpay na pandarahas sa aming hanay,” pahayag ni Anse Are, presidente ng Tanggulang Ugnayang Daluyang Lakas ng Anakpawis sa Tanduay Distillers, Inc. (TUDLA).

Magugunitang ang La Tondeña strike ang bumasag sa pananahimik ng mga manggagawa noong Martial Law era, na tinatayang 800 manggagawa ang naggiit ng kanilang regularisasyon. Ito ay nagresulta sa mga serye ng mga strike sa buong bansa.

Samantala, ang Coca-cola strike sa Sta. Rosa City, Laguna noong 2013 ay iginiit ang benepisyo, dagdag-sahod at regularisasyon ng mga forklift operator at driver na kanilang nakamit makaraan lamang ang tatlong araw nang ilunsad nila ang strike.

Ang pagkakaiba anila, ang strike at pag-aksyon ng mga manggagawa ay kadalasang sangkot ang unionized and regular workers; habang ang kanilang strike ay tampok ang contractual workers sa loob ng labor association.

Kasabay nito, kinondena ni Are ang paglaganap ng labor cooperatives katulad ng HD Manpower Service Cooperative at Global Skills Providers Multi-Purpose Cooperative na tumatanggap ng mga empleyado sa pamamagitan ng Labor-Only Contracting (LOC), isa sa pangunahing mga dahilan kung bakit hindi pa ibinibigay ng distillery management ang kanilang mga hiling.

Sa nakaraang pagdinig sa National Conciliation and Mediation Board (NCMB), idinahilan ng management na sila ay mga empleyado lamang ng kooperatiba at hindi ng kompanya, bagay na dinismis ng arbiter.

Katulad ng hakbang ng TUDLA, hinikayat nila ang contractual workers na magkaisa sa pagdepensa sa kanilang karapatan sa maayos na working conditions.

“Ang pangyayaring ito ay inianak ng malawakang represyon laban sa mga manggagawa sa buong bansa. Nang simulan namin ang maalab na pagtutol laban dito, nasaksihan at natamo namin ang malawakang suporta at pagpapataas ng morale na ibinigay sa amin,” pahayag ni Are.

“Hinihikayat namin ang lahat ng manggagawa na buuin at itatag ang kanilang mga unyon at organisasyon, at mangahas makibaka para sa magandang kinabukasan na tayo lamang ang makalilikha,” diin ng pangulo ng TUDLA.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *