Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jake, nag-walkout sa GGV

052615 jake cuenca

00 SHOWBIZ ms mVALID naman pala ang rason ni Jake Cuenca kung bakit siya umalis o nag-walked out sa taping ng Gandang Gabi Vice na dapat sana’y magpo-promote siya ng bagong aabangang telenovela sa kanila sa June 1, ang Pasion de Amor.

Umalis ng taping ang aktor, ‘di dahil kay Vice Ganda kundi dahil sa rati niyang GF na si Chanel Olive Thomas na kasama sa mga kandidata ng Miss Earth na guest din ng oras na iyon.

Ayon kay Jake, “Nagulat ako. Siyempre bago tinawag ang mga pangalan namin, pagsilip ko sa pintuan, nakita ko ‘yung ex ko. Nandoon kasi lahat ng candidates ng Miss Earth. I just didn’t want to put my ex-girlfriend in that situation.”.

Si Chanel na isang Filipino-Australian model ang representative ng Miss San Antonio, Nueva Ecija para sa Philippines-Earth. “Hindi sa hindi ko kaya. Naging gentleman lang ako na ayaw ko ilagay sa alanganin ‘yung tao, lalo na moment niya ngayon na mag-Miss Earth,” paliwanag pa ng actor.

Naintindihan naman daw ni Vice ang naging rason ni Jake nang kausapin nito ito. “Hindi ko naman sila pwede paalisin. Paano ko ipo-promote ng maayos sa capability ko na nagulat ako na nandoon ‘yung ex ko? Paano ko maipo-promote ‘yung show ko?” dagdag pa ni Jake.

Samantala, seksing Jake na ang mapapanood sa Pasion de Amor dahil talagang naglaan ng oras ang actor para muling ibalik ang magandang pangangatawan. Kaya naman hindi siya pahuhuli sa pagandahan ng katawan sa mga kasama niya ritong sina Ejay Falcon at Joseph Marco gayundin sa mga tsika babes na sina Ellen Adarna, Coleen Garcia, at ang bagong Kapamilya na si Arci Munoz.

Ukol sa kuwento ng pag-ibig at paghihinganti ng pamilya Samonte at Elizondo ang Pasion de Amor. Bagamat maagang naulila, lumaking puno ng pagmamahal at malapit sa isa’t isa ang magkakapatid na Samonte na sina Juan (Jake), Oscar (Ejay), Franco (Joseph), at Olivia (Ingrid Dela Paz). Isang pagkakamali ang babago sa kanilang kapalaran matapos mahulog ang loob ni Olivia sa pamilya at mayamang si Bernardo Elizondo (Ronaldo Valdez). Dahil sa maling pag-ibig, buhay nina Olivia at Bernardo ang hihinging kapalit ng tunay na asawang si Gabriel (Teresa Loyzaga) sa pagtataksil na ginawa nito sa kanya.

Unang napanood ang Pasion De Amor tampok ang Mexican superstar na si Mario Cimarro noong 2007. Ito ang ikaapat na telenovela na ini-remake ng Kapamilya Network matapos ang matagumpay na adaptation ng Rubi at Thalia-seryes na Maria La Del Barrio at Maria Mercedes.

Kasama rin sa seryeng ito sina Aubrey Miles, Michelle Madrigal, Ahron Villena, Daria Ramirez, Alex Castro, AJ Dee, Ron Morales, Zeppi Borromeo, Ashley Rivera, Benj Bolivar, Nathaniel Britt, Mauro Lumba, June Macasaet, at ididirehe ito ni Eric Quizon.

ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …