Thursday , December 26 2024

Ilan resorts, etc., sa Boracay, walang SSS

00 aksyon almarNITONG nagdaang linggo, binigyan halaga natin ang kalagayan ng mga kawawang manggagawa sa kilalang pasyalan ng marami sa buong mundo – ang isla ng Boracay sa lalawigan ng Aklan.

Reklamong nailathala natin ay hinggil sa masyadong mababang pasuweldo ng nakararaming kilalang resorts, restaurants at hotels sa Boracay.  Wala sa minimum ang pasahod ng mga establisimiyento. Bukod nga raw sa walang sa minimum ay kulang-kulang din sila sa pagbibigay ng benepisyo sa mga manggagawa sa kabila na kumikita naman ang mga negosyo sa isla.

Yes, hindi natin tinukoy ang pangalan ng mga establisimiyentong inireklamo pero, hindi ito dahilan para hindi umaksiyon ang DOLE sa reklamo. Mayroon naman kasing kalakaran ang DOLE na kahit walang reklamo laban sa isang establisimiyento ay puwede nilang salakayin para alamin kung tama ang kanilang pasahod.

Puwedeng magsagawa ng surprise inspection ang DOLE nang sa gayon ay aktuwal nilang mahuli sa akto ang mga nagpapalusot na mga kapitalista.

Sa kabila naman ng kalakarang ito ng DOLE, nakapagdududa at ayaw nilang gamitin ang “powers” na ito laban sa mga kilala o hindi kilalang resorts, restaurants, at hotels na patuloy na nang-aapi sa mga manggagawa.

Wala na nga sa minimum ang pasuweldo, wala pang mga benepisyo ang mga manggagawa.

Benepisyo? Yes. Tulad ng panibagong reklamo na inilapit sa inyong lingkod ng isang grupo ng manggagawa mula sa iba’t ibang establisimiyento sa Boracay.

Tinutukoy nila ang hindi pagkakaltas sa kanila ng monthly contribution para sa Social Security System (SSS). Hiniling na nga nila sa kani-kanilang pinapasukan na kaltasan sila ng SSS pero, tumanggi ang ilang establisimiyento sa kabila na mula naman sa suweldo ng mga manggagawa manggagaling ang kaltas at hindi naman mula sa bulsa ng mga nagmamay-ari ng hotels, resorts at restaurants.

Tama, hindi nga mula sa bulsa ng management ang ikakaltas kundi mula sa suweldong pinagpaguran ng mga manggagawa manggagaling ang SSS contributions pero, ba’t ayaw sumunod ng mga establisimiyento?

Simple lang ang malinaw na dahilan kung bakit ayaw ng mga kapitalista ang sumunod sa kalakaran ng SSS. Iniiwasan ng mga abusadong kapitalista ang pagbabayad ng kanilang SSS shares sa bawat kawani. Halimbawa kung P300 ang kaltas sa isang manggagawa, tatapatan kasi ito ng may-ari. Magiging P600 ang ihuhulog nito kada buwan sa SSS para sa contribution ng kanyang manggagawa. Kaya gets n’yo na kung bakit ayaw na ayaw ng maraming establisimiyento na kumaltas ng SSS contributions para sa kanilang manggagawa. O di kaya kung kakaltas man ay hindi nila ito inihuhulog agad o utay-utay na inihuhulog o ‘di kaya maghuhulog lang kapag nagreklamo ang mga manggagawa sa SSS.

Tulad ng DOLE, ang SSS ay may kalakaran din magsagawa ng suprise inspection laban sa mga establisimiyento para mahuli din sa akto ang mga lumalabag o hindi sumusunod sa batas.

Uli, hindi man natin tinukoy ang mga inirereklamong establisimiyento dahil hindi pa nagsasampa ng pormal na reklamo ang mga manggagawa, tayo’y nananawagan sa SSS Kalibo (nasa area of responsibility nito ang mga establisimiyento sa Boracay), na gamitin ang kanilang “powers” – magsagawa ng pagsalakay sa mga kilalang hotels and resorts sa isla para mahuli ang mga delinkuwenteng kapitalista na walang konsiderasyon sa mga manggagawa.

Nananawagan tayo kay SSS President Emilio S. de Quiros, na maglabas ng direktiba sa makukupad niyang tauhan sa Kalibo SSS na salakayin ang mga establisimiyento sa nabanggit na isla para naman pakinabangan ng mga manggagawa ang SSS lalo na ang mga manggagawang babae – para sa kanilang maternity leave.

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *