Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Florista sinabuyan ng asido, natira nilagok ng suspek

052615 FRONTBINABANTAYAN ng mga pulis sa Philippine General Hospital (PGH) ang isang 45-anyos lalaki na uminom ng asido makaraan bugbugin at sabuyan sa mukha ang kanyang live-in partner nang tumanggi ang biktima na lagukin ang nasabing kemikal kahapon ng umaga.

Kinilala ni Supt. Mannan C. Muarip, hepe ng Manila Police District Station 4, ang suspek na si Renato Cordova Jr.,  nahaharap sa mga reklamong frustrated murder at paglabag sa Anti-Violence Against Women and their Children Act o Republic Act 9262.

Habang ang biktimang si Wilma Jaldo, 45, flower arranger, residente ng 1597 Gelinos St., Sta. Cruz, Maynila, ay nalapnos ang mukha at posibleng mabulag ang isang mata.

Ayon sa ulat, dakong 6 a.m. nagwawalis ang biktima sa paligid ng No. 23 stall na Jayzell Flower Shop sa Dos Castillas St., Sampaloc, Maynila nang dumating ang galit na suspek na armado ng kutsilyo at may dalang isang plastic bottle na may lamang muriatic acid.

Habang tinututukan ng kutsilyo ang biktima ay pilit na ipinaiinom ng suspek sa ginang ang asido.

Ngunit pumalag ang biktima kaya ibinuhos ng suspek sa kanyang mukha ang kemikal.

Sa pagresponde ng mga barangay tanod, nabatid na ininom ng suspek ang natitirang asido kaya imbes  arestohin ay isinugod siya sa PGH.

Nasa Infant Jesus Hospital ang biktima na nakatakdang isailalim sa operasyon.

Leonard Basilio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …