ni Alex Brosas
NAIMBITA kami ng fans ni Ate Guy para sa post-birthday party nila for the Superstar.
Ang daming loyal fans from different fan clubs ang dumalo at mayroon pa silang program for the Superstar. Naispatan namin sina Boy Palma, her manager, John Rendez, Rap Fernandez, Gerald Santos, Ken Chan, Mel Navarro na siyang tumulong para mainbitahan kami, Oghie Ignacio, Ronald Rafer, Jobert Sucaldito and many more.
Nagsaya ang lahat nang i-announce during the party na Taklub was awarded the Ecumenical Jury Prize of Un Certain Regard sa Cannes 2015 last May 23 kaya lalong nagbunyi ang fans ni Ate Guy.
“The prize of the Ecumenical Jury is an independent film award for feature films at major international film festivals since 1973. The award was created by Christian filmmakers, critics and other film professionals. The objective of the award is to ‘honour works of artistic quality’ which witnesses to the power of film to reveal the mysterious depths of human beings through what concerns them, their huts and failing as well as their hopes,” sabi pa sa amin sa isang text message.
Tawa kami nang natawa sa chikang pinalayas sa red carpet ang mga alalays and extras na kasama ni Brillante Mendoza sa red carpet sa Cannes. Talagang si Nora raw ang hinahanap ng organizer. Nang mapag-alaman ng organizer na pawang alalay lang ang kasama ni direk Brillante ay pinalayas sila at hindi raw pinaglakad sa red carpet.
Siyempre nga naman, sino ba sila, mga ekstra lang sila at ‘di totoong bida so, ano ang karapatan nilang mag-walksa red carpet, ‘no!
Ang isa pang chika, under investigation daw ngayon si direk Brillante all because of the economy tickets na kanyang ibinigay kay Ate Guy kaya hindi na tumuloy ang Superstar sa Cannes.
Buti nga sa ‘yo, direk Brillante. Masyado ka kasing ambisyoso. Ang feeling mo ay super sikat ka na dahil nagwagi ka sa Cannes.