GUSTONG iangat ng CCA Entertainment Productions Corporation at ng actor-concert producer na si Joed Serrano ang antas ng bikini open sa bansa. Kaya kakaiba ang mapapanood sa June 20 sa Bnaked:The Elite Super Model Quest sa Music Museum, Greenhills.
Ito’y isang bikini-pageantry-fashion show na showdown ng mga titlelero’t titlelera. T-back kung t-back ang labanan. Pinakabonggang show with hi-tech staging, lights and sounds. May production value at element of surprise. May payanig at wild ang mga candidate na hindi basta-basta napapanood sa ibang bikini contest.
Ayon sa mga kandidata, ramdam nila na hindi putchu-putchu ang sinalihan nila dahil may class ang bawat activities na ginagawa nila. Kahit pinanindigan na nila ang titulong BNaked sa kanilang pictorial naroon pa rin ang art at hindi ka-cheapan.
Dito rin pumapasok ‘yung health conscious ng BNaked na Be Fit, Be Sexy, Be Free, Be Wealthy, Be Famous..B Naked the truth of being healthy inside and out.
Sa totoo lang, first na pinasok ni Joed na mag-prodyus ng ganitong event. Karaniwan na kasing malalaking concert ang kanyang ginagawa. “Sa totoo lang, tinatanong ko rin ang sarili ko gabi-gabi kung ano itong pinasok ko. Kasi kung libog lang, ang mahal namang kalibugan nito! Ha! Ha! Ha! Cash prize pa lang nila, aabot na ng P500,000! Eh, I didn’t know na walang ganoong kalaking cash prize na ipinamimigay sa ganitong contest! Kaya ang dyowa ko halos masampal ako!
“Sabi ko, try natin. Kasi sa Facebook ko nakikita ’yan! Actually, ang concept nito, showdown of all different types of underwear!”ani Joed.
Hindi raw nag-materialize ang concept hanggang makausap niya ang line producer/movie columnist na si Roldan Castro, isa sa producer ng Hataw Superbodies at Asia Pacific Bikini Summit. At nabuo na ang BNaked.
Dapat nga ay sa May 27 magaganap ang BNaked pero dahil ayaw niyang maging half baked ang unang venture sa ganitong sexy shows, ginawa nilang June 20 na lang sa Music Museum.
Sa press presentation pa lang ay parang showdown na ang nangyari at nagpatikim ang mga candidate na ilantad ang kanilang kaseksihan. Nagkaroon pa ng wardrobe malfunction ang isang female candidate na ikinawindang ng mga imbitadong TV crew at press.
Anyway, bukod sa BNaked: The Elite Super Model Quest, prodyus din ng CCA Entertainment ang concert ng Boyzone ngayong Martes, May 26 sa Smart Araneta at kasunod nito ang concert ng Pentatonix sa june 6 sa Araneta at June 7 sa Waterfront, Cebu.
Sa June 20, wala nang urungan ang BNaked na special guests sina Boobsie Wonderland at Michael Pangilinan. Hosted by Carlos Agassi at Ali Forbes (2012 Bb. Pilipinas 1st runner up at host ng Pinay Beauty Queen ng GMA News TV). Ididirehe ito ni Mac De Leon.
Ang mga official candidate ng BNaked ay sina Dwayne Famoso, JL Dizon, Jaymark Quintana, Adonis Santos, Albert Gonzales, Justin Cruz, Hamid Hassan, Rhedz Turne, Aeron Cruz, Miko Laurel, Dave Santos, Dennis Zamora, Carlo Navarro, Jhon Mark Marcia, Xian Pascual, John Rell Toshihiro, Mhyke Alexander Young, at Eric Gatdula.
Ang mga female candidate naman ay sina Denise Rozel Silva, Marigold Zapanta, Dominique Ocampo, Misha Alorica, Mariz Alorica, Khat Flores, Haiza Jenniza Madrid, Lexinne Manuel, Jaja Noble, Dheza Rose Asis, Aubrey Diaz, Kaye Ann Del Rosario, Caroline Adatire, Abigael Gulapa, at Effie Dungca.
Para sa tiket tumawag sa 09053595091, Ticketword 8919999, at Music Museum 7210365.
ni Maricris Valdez Nicasio