ni Ambet Nabus
NGAYONG nakabalik na si Bela Padilla sa ABS-CBN matapos na siya’y magtagumpay as an actress sa GMA 7, parang mas gusto na raw niyang dito manatili.
Although “career growth” ang sinabing rason ng dalaga sa dahilan ng kanyang pagbabalik-Kapamilya (naging member siya ng Star Magic Batch 15), tinuran nitong gusto niya ng kakaibang gagawin dahil aniya, “paulit-ulit” na lang ang mga ginagawa niya sa dating network.
Wala naman daw siyang masasabi kundi pasasalamat sa GMA 7 na nagpatingkad ng pangalan niya sa showbiz.
Bongga ang comeback project niya dahil natupad na ang dream niyang makatrabaho si Coco Martin via the Probinsyano teleserye, ang dating kilalang movie ni National Artist for Film na si Fernando Poe Jr..
Sa Ang Probinsyano, inaasahan ni Bela na ang ‘growth’ na hinahanap niya as an artist ay mas madali niyang magagawa.