NAGKASUNDO sina House ad hoc committee chairman Rufus Rodriguez at House Speaker Feliciano Belmonte na hilingin na kay Pangulong Benigno Aquino III na i-certify na bilang urgent ang Basic Law on the Bangsamoro Autonomous Region o Bangsamoro Basic Law (BBL).
Ayon kay Rodriguez, naghahanda na sila para idepensa sa plenaryo ang magiging takbo ng debate na inaasahang lalahukan ng malaking bilang ng mga mambabatas.
Wala anilang railroading na mangyayari upang tiyak na mapakinggan ang lahat ng concern ng mga kasamahan nila sa Kongreso
Akusasyon ni PNoy BBL issue ginagamit para sa kandidatura ng ilang politiko
INAKUSAHAN ni Pangulong Benigno Aquino III ang mga kumokontra sa draft Bangsamoro Basic Law (BBL) na ginagamit lang ang panukalang batas para isulong ang kanilang kandidatura sa 2016 elections.
“Naintindihan natin maraming pagkakataon para makatawag ng pansin lalo na’t napipintong eleksyon ay darating na sa susunod na taon,” aniya sa isang ambush interview sa Marikina Elementary School kahapon.
Naniniwala siya na sa pamamagitan ng mapayapang diskusyon at koordinasyon ay makikita ng mga kritiko na naaayon sa Saligang Batas ang draft BBL kaya’t umaasa siya na papasa ito sa Kongreso.
Nakahanda rin si Pangulong Aquino na harapin ang mga senador para ipaliwanag sa kanila ang nilalaman ng BBL.
Hinihintay na lang ng Pangulo ang go-signal ni Senate President Franklin Drilon kung kursunada ng mga senador na marinig ang kanyang opinyon sa BBL.
Rose Novenario