Sunday , December 22 2024

9 katao arestado droga, armas kompiskado sa raid sa Cavite

ARESTADO ang siyam katao sa pagsalakay ng mga awtoridad sa ilang kabahayan sa Brgy. Datu Ismael, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng gabi, at nakompiska ang iba’t ibang uri ng armas at droga.

Kabilang sa mga naaresto ang apat na babae. Ang isa ay kinilalang si Izza Adam Abundad, 24-anyos, nakompiskahan ng kalibre .45 baril na walang dokumento. 

Ilang mga armas ang nakompiska kabilang ang dalawang kalibre .45 baril, dalawang kalibre .38 revolver, isang improvised shot gun, at isang carbine at mga bala. 

Kinompiska rin ng mga awtoridad ang tatlong piraso ng two-way radio at 29 motorsiklong walang kaukulang mga dokumento. 

Umabot sa 103 piraso ng plastic sachet ng shabu at tatlong bloke ng marijuana ang nakuha sa mga suspek. 

Ayon kay Regional Director Chief Supt. Richard Albano, bitbit ng grupo ni Supt. Jonnel Estomo ang search warrant sa pagsalakay sa target na mga bahay na ang pakay ay halughugin upang hanapin ang mga ilegal na baril at ipinagbabawal na gamot na bahagi ng ‘Oplan Lambat Sibat.’

Inihahanda na ng pulisya ang mga kaso na isasampa laban sa mga naaresto.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *