Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Walang masamang akin’

00 pulis joeyTODO puri’t kampanya ang ginagawa ngayon ng batikang brodkaster na si Korina Sanchez para sa kanyang mister, DILG Sec. Mar Roxas.

Sa kanyang pagpunta sa Lalu-Lapu City, Cebu nitong nakalipas na Biyernes, namigay siya ng mga tsinelas sa mahihirap na kabataan, pakete ng bigas at anniversary bracelets sa piling beneficiaries, sinabi ni Koring na ang kanyang mister ang “most qualified” na kandidato para presidente sa 2016.

Ang kanyang mister, aniya ay may malawak nang karanasan, tapat, integridad at matalino. Hmmm… walang masamang akin. Pero truth naman e. Hehehe…

Sabi ni Koring, magdedeklara ng kanyang kadindatura si Mar sa Hulyo. Ang posible raw na maka-tandem o running mate nito ay si Senadora Grace Poe. Roxas-Poe? Puwede!

Si Poe ay kinausap na rin ni Presidente Noynoy Aquino na napipisil niyang magpapatuloy ng kanyang tuwid na daan, siguro after ni Roxas sa 2022.

Tinanggihan na ni Poe ang alok ni Vice Pre-sident Jojo Binay na maging running mate niya sa 2016. Binay-Poe? No way!

Kamakailan ay sinabi ni Poe na ang feel niyang maka-tandem ay si Senador Chiz Escudero. Poe-Chiz? Puwede sana. Pero pareho silang walang makinarya. Kaya malabo ito…

Anyway, dahil sa pabagsak nang pabagsak ang trust rating ngayon ni VP Binay, sa tingin ng mga political analyst ay nasa “no win” situation na siya at marami ang gustong sumabak sa presidential race sa 2010. Nagpahayag na ng pagtakbo uli si Erap, Ping Lacson, ikinakasa si House Speaker Sonny Belmonte at tila gustong sumubok uli ni ex-Senate President Manny Villar.

Si Davao City Mayor Rodrigo Duterte ay muling nagpahayag na hindi siya tatakbo kahit barilin pa raw siya. Pero patuloy naman ang kanyang ginagawang “listening tours” at pagsabing kapag siya’y naging presidente ay “walang puwang ang kabiguan” at isusulong niya ang federal government. Oha? Hindi raw siya tatakbo pero maraming pinaplano. Hehehe…

Makiramdam pa tayo… Wag bibitiw sa daily update natin sa presidentiables sa kolum na ito…

MTPB ‘di pa sumasahod mula Marso

– Magandang araw, Ginoong Joey Venancio. Di na po namin alam kung saan kami lalapit. Simula pa ng Marso hanggang ngayon Mayo 2015 ay ‘di pa po kami nasuweldo. MTPB po ako na volunteer. Samantalang yung Eric Balotro ay regular at ang asawa ay J.O., MTPB din po, nasuweldo pero nasa bahay lang. Sana po makarating ito kay Mayor Erap. Wag nyo nalang ilagay ang numero ko. – MTPB na ‘di sumasahod

Mayor Duterte, ‘wag kang sumama kay VP Binay!

– Sir Joey, sana makarating itong message ko sa pamamagitan ng kolum mo kay Mayor Rodrigo Duterte. Na sana hindi siya maging running mate ni VP Binay sa 2016 Presidential Election. Masisira lang ni Binay ang track record ni Duterte na walang bahid na katiwalian sa gobyerno. Hayaan nalang na magsanib ulit ang parehas na manda …. sina Estrada at Binay, mga gurang na ang nga ito. Kayo ni Poe ang gusto ko. Goodluck! – 09496984…

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …