Saturday , November 23 2024

Takot si Binay kay Grace

EDITORIAL logoDESPERADO na talaga si Vice President Jojo Binay.

Matapos pumutok ang balitang tatakbo si Sen. Grace Poe sa darating na halalan bilang pangulo, mabilis na inupakan kaagad ni Binay.

Alam ni Binay na sa mga politikong nagbabalak na tumakbo bilang pangulo, tanging si Grace ang kandidatong magpapabagsak sa kanya.

Bunga nito, mabilis na kinuwestyon ni Binay ang kasanayan at karanasan ni Grace sa buhay politika para maging lider ng bansa.

Nakalulungkot ang ganitong aktuwasyon ni Binay.  Makikita kung anong klaseng pagkatao meron ang bise presidente. Dahil malamang na makalaban niya si Grace sa darating na halalan, nag-iba na ang kanyang tono.

Hindi ba’t mismong si Binay pa ang nakiusap sa senador na maging kanyang running mate sa darating na halalan?

Takot na takot si Binay na magharap sila ni Grace sa 2016 presidential elections.  Mas gugustuhin ni Binay na makaharap si Interior Sec. Mar Roxas, huwag lang si Grace.  Ang lahat ng paraan ay gagawin ni Binay huwag lang tumakbo sa darating na halalan ang senadora.

Ang usapin sa nationality laban kay Grace ang pinakahuling “ops” na inilabas ng kanyang mga kalaban, ano pa kaya ang mga susunod na upak sa kanya?

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *