Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Number 30, mahalagang numero para kina Kathryn at Daniel

ni Roldan Castro

033015 kathniel

USAP-USAPAN kung November 30 ba ang anniversary nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Tinanong sila sa Aquino and Abunda Tonight kung gaano kahalaga ang date na ito? Last year ay nag-post si Kathryn ng word na ‘happies’ sa Instagram account niya.

Mahalaga ang 30 na numero sa kanila dahil ito rin ang jersey number ni DJ sa paglalaro ng basketball.

“’Yung happiest ‘di ko alam, siguro masayang-masaya si Kat, pero yung 30 po, ‘yung idol kong basketball player sa NBA, number 30, si Steph Curry,” paliwanag ng Teen King.

Paiwas namang sinagot ni Kath na baka nagkataon lang ‘yung Nov. 30 na nagkaroon siya ng good news ng araw na ‘yun.

Itinanggi ni Kath na ‘yun ang araw na sinagot niya ng Yes si DJ. Nagbiro naman si Daniel ng ”Ibang araw. Hula pa kayo.”

Pero teka, ‘di ba hindi umaamin ang Pangako Sa ‘Yo stars sa tunay nilang status?

Hmp!

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …