MARAMI tayong natatanggap na ulat tungkol kay Lejos at Lachica, na hindi na raw sila dumaraan sa chain of vommand ng Customs. Nasanay
kasi sila noon na dumederetso agad kay dating Commissioner John Sevilla na wala namang ginawang kabutihan sa Bureau of Customs. Ang masasabi lang accomplishment ay siraan ang pinaglilingkuran niyang ahensiya.
Ganyan daw inilalarawan si Lachica at Lejos na kayang bilugin umano ang ulo ni Sevilla. Ito ang ulat na natanggap natin sa 4th floor ng BOC-POM building na gumawa raw ng budget si Lejos para ipagawa ito, pero laking gulat ng dyanitor dahil ibinabalik din at tinatanggal. E, totoo ba ito!?
Tapos ‘yung mineral water, janitorial at blue guard, siya rin daw ang may pakana. Sayang nga naman sapagka’t ang gawaing legal ginagawang illegal. At ‘yung PDS, nalilito ang mga empleyado dahil bakit laging may pinapagawang PDS.
Si Lejos ay iniimbestigahan ngayon sa Anti-graft division ng NBI.
Hindi ko pa alam kung anong nangyari, bakit may report na P80 million per annum ang accountable forms? May mga promotion na nakabinbin sa ‘di maipaliwanag na dahilan?
Ito lang masasabi natin, lahat ng kasamaan ay may kabayaran. Kaya humanda kayo dahil after ng term ni Pnoy, katakot-takot ang mga kasong naghihintay sa inyo.
Tigilan na ang paninira kay Bert Lina
Ayaw pa rin tigilan ng mga paninira si Customs Commissioner Bert Lina, gawa raw ito ng mga remnants ni Sevilla na hindi pa rin matanggap na siya ang na-appoint na Customs commissioner. Halatang may malaking pondo ang demolition job laban kay Lina.
Madaling makilala ang mga paid media, dahil mababasa ‘yan sa kanilang diyaryo at kolum.
Parang pinag-aaway pa nila si Commissioner Lina at DepComm. Dellosa?
Maging ang mga legitimate broker/importer sa Customs NAIA ay pilit na inaakusahan ng smuggling.
Anyway, identified na raw ni Lina ang mga nasa likod ng smear campaign sa kanya at sa mga susunod na araw ay kanya itong ibubulgar sa publiko.
Boom panot!